Magandang tanghali mga kaingay: Natapos ko rin ang pagsampay ng aking laundry. Kasalukuyang matirik ang init ng araw. Binilad ko ang mga sinampay sa araw para mabilis matuyo. Nakapagluto na rin ako ng ulam para sa lunch. Adobong porkchop po ang ulam ngayon. Meron pa akong malunggay soup na sobra kahapon at ito ay aking iinitin. May isang pritong bilong bilong na isda din at yun ang aking unang uubusin. Relax relax na muna ako habang hindi pa kami kumain ng lunch. Sana nakapaghanda na rin kayo ng meal para sa araw na ito. #ShareYourEverydayLife #Pilipinas
No comments yet