Magandang umaga Pilipinas! Mga ka Tambay nahuli na po ako ng gising, napasarap po ang tulog, Thank you Lord for waking me up on this bright sunny morning. Thank you for a new life and a chance to fulfill my dreams . Habang nagbibilad po ako sa araw, may dumaan na nagbibinta ng kakanin, palitaw, nilupak at kalamay. Dala dala po ni nanay ang mga paninda sa loob ng batya at naka tungtong sa ibabaw ng kanyang ulo. Kawawa naman po si nanay. Tinawag ko po at pinaupo sa lilim tapat ng bahay. Since my money is only P50, pumili na lng po ako kung saan po magkasya. Gusto ko sana yung palitaw pero hindi ko nagustuhan ang pagawa ng porma( hehe, food presentation is important). Pinili ko na lng ang linupak, gawa po ito from boiled unripe banana at coconut meat. May isa rin na kalamay para matikman ko rin. Ang kalamay ay gawa gamit ang flour from malagkit na bigas, coconut milk at muscovado sugar. Tinikman ko agad, tamang tama for my breakfast at nagtimpla po ako ng coffee. Kalahati lng po ng coffee sachet ang ginamit ko para matikman ang Old Town coffee kasi na curious po ako bakit gustong gusto ng mga anak ko. Masarap nga at matapang. Sino pa po ba ang hindi po naka pag almusal? Hali po kayo kain tayo ng linupak at kalamay. Sge po, mag umpisa na po ako sa mga gawain bahay. See you later mga ka Tambay! Ingat po kabayan.
2 comments
matagal na po akong hindi nakakain ng linupak Tita Wella namimiss ko na nga po yan wala kc yan dito sa Luzon iba nmn version nila dito, kamoteng kahoy naman.
Angsarap naman po niyan miryenda niyo ate. Sana may magbenta din dito nakakamiss yan.