Good evening fellow Noisers. Magandang gabi mga kaingay. Kumain na po ba kayo ng hapunan? Ako po ay tapos na kumain. Hindi pa rin ako nag luto kasi marami pang kanin at ulam na iinitin. Ayon nakaraos na rin at busog na busog sa fried lechon at cheesy hotdog. Nakakain na rin ang mga alaga na si doggie Tenshi at Red Pepper cats. Binigyan ko rin ng kanin si alley cat Ginger. Habang naglilinis ako ng mga photos sa gallery , nakita ko itong mga hanging plants ng sister ko. Ang daming nakasabit sa gilid ng bahay. Alam nyo ba na noong pandemic at nauso ang mga "Plantitas ", nagkakapera ang sister ko kasi marami bumibii ng halaman niya. Pumupunta sa bahay at namimili ng mga tanim ang mga customers. Marami din ang bumibili ng hanging plants. Kailangan na naman daw mag repot ng bago na hanging plants kasi dumadami na sila sa pot kaso wala na ngayon bumibili. Tapos na ang craze na bumibili ng mga tanim. Anyway, kahit wala na bumibili, nakaka aliw tingnan ang mga green plant hanging around the house. Have a great evening. #Pilipinas
No comments yet