Ang bilis ng araw. Mag start na ang novena para sa 40 days ng aming Tiyo dito lng sa kapitbahay namin. Meron mass at 6:30pm at novena pagkatapos. Ako ay pupunta kasi ilang bahay lng ang pagitan dito sa amin. Follow pa rin ng protocols at social distancing. Yung ibang pinsan ay pupunta rin kaya kaunting ingat lng. Pumayag naman po ang aking mga bantay dito sa bahay. Ako ay maagang nagluto para sa dinner para may ulam ang maiwan sa bahay. Busy ang mga kasama ko dito, kanya kanyang meeting at si bunso ay may pasok pa hanggang 7pm. Kakain din ako ng maaga kasi baka late na matapos ang padasal. Kanina, lumabas ako at masaya na nakita ang liwanag ng araw. Sa wakas lumabas na rin si Haring Araw. Palubog na nga sguro ngayon kasi hindi ko na makita dito sa aking kinaroroonan. Ako ay maghahanda na at ng makalabas ng bahay after almost 2 months of lockdown. Magandang hapon sa lahat.
No comments yet