Birthday celebration. Sabay po nag birthday ang dalawang cousins in my hubby's side of the family. Naimbitahan po ako at doon kami kumain ng hapunan sa family chapel. It's a very simple celebration but I'm glad to bond with the family kasi bihira na lng po ako makabisita sa lugar nila. Dati po kasi before pandemic , madali lng po ako makapunta, mag walk po ako mga 20 minutes papunta sa kanilang area. Pagdating ng pandemic, ayaw ng mga anak ko na maglalakad po ako para iwas na rin sa virus. Mabuti po kaninang tanghali, nakita ko ang bunsong kapatid ng isa sa celebrants at sinabihan ako na doon kami kakain ng hapunan kasi siya ang magluluto ng ulam. Sumabay na rin ako sa kanilang sasakyan para makatipid. Hindi nakasama si bunso kasi may trabaho. Pag uwi ko, nagdala po ako ng 3 pieces ng pandan chicken at kaunting suman para kay bunso. Yan po ang aking ganap ngayong gabi. Time to rest na po. Maraming salamat po sa inyong suporta. #Pilipinas #ShareYourEverydayLife
1 comment
Happy birthday po sa kanila, mabuti po at naka punta kayo at naka bonding sila.