Kay raming nagtanong kung bakit itinuri naming anak na ang pangalan ay CORJA. Ako at ang aking live in partner ay walang anak. Matagal na ang aming relasyon mag 12 na taon na ngayon August. Kahit gaano pa kasaya ang aming relasyon subalit may kulang pa rin. Yun ay ang pagkaroon nang anak.
Sa tagal na namin, di minsan hindi pa kami nagpacheck up. Kasi naniniwala pa rin kaming makabuo kahit isa man lang. Pero pinangarap ko mag lima man lang. (lol)
Noong 2019 sa 30th birthday ko ay may nag regalo sa akin na puppy. Ang aking workmate. Sobrang saya ko talaga kasi parang may pag bibusyhan ako. At parang bantay na rin ang bahay sa tuwing magtatrabaho na kami. At natanggap kong regalo ay si CORJA. Kaya sobrang saya ko at pasalamat sa workmate kong nagbigay.
Nung una akala ko isang puppy lang na pinapakain, pinapapopo at pinapaligo. Pero habang inaalagaan ko si corja, para siyang baby na inaalagaan ko. Sa tuwing magkasakit sya parang nasasaktan ako. Feeling ko ako yung mama nya. At yung partner ko naman tatawagin nyang anak si corja. Kaya ayun nagkaroon na kami nang anak. Hindi na maging bantay si corja. Kundi sya na binantayan namin. Napaka special nang anak namin. Parang tao din. Ayaw nyang maglalambing sa amin yung pusa nang mama ko. Napakaselosa ni corja at territorial sya na aso. Kumbaga walang makapasok na ibang hayop sa bahay namin maliban sa pusa nang mama ko.
Kaya ngayon si corja nag heheat na mas lalo naming binantayan kasi ayaw namin syang magkaanak nang maaga kasi baby pa namin sya. At mahal na mahal po namin si corja.
Sa mga hindi pa nagkaanak. Maganda po magkaroon kayo nang pet at ituring nyo pong anak. Promise. Hinding hindi kayo ma e-stress.
Salamat sa pagbasa at pasensya na po sa tagalog words ko.
Hope you can read my first article thanks