Habang tumatagal ay mas lalo akong nawawalan ng tiwala sa aking sarili. Nawawalan na din ako ng ganang makihalubilo sa ibang tao. Nahihiya akong humarap sa karamihan dahil sa tigyawat na taglay ng aking mukha. Simula nang akoy magkatigyawat ay pakiramdam ko na nawala na lahat sa akin. Lagi kong iniisip kung mawawala pa ba ito o permanente na sa aking mukha. Sinubukan kong gumamit ng kung anu-anong mga produkto na pampawala ng mga tigyawat ngunit hindi pa rin ito nawawala. Nawawalan na ako ng pag-asa, sa tingin ko ay panghabang-buhay na ito. Nalugmok ako sa kalungkutan at madalas akong mapag-isa. Takot na akong lumabas ng bahay dahil nahihiya ako sa mga tao. Hanggang sa isang araw ay dinalaw ako ng aking mga kaibigan sa bahay at napansin nila na parang malungkot at matamlay ako. Ibinahagi ko sa kanila ang lungkot at kawalan ng pag-asa na aking nararamdaman dahil sa tigyawat ko. Matapos nilang malaman ang aking pinoproblema ay agad nila akong niyakap. Isa sa kaibigan ko ang nagsabi, "okay lang yan, lahat naman dumadaan sa ganyan. Andito lang kami para sa'yo. Susuportahan ka namin." Naiyak ako sa sinabi niya. Doon ko lamang napagtanto na pwede pala akong humingi ng tulong sa mga taong malalapit sa akin dahil sila ang iintindi sa problema ko. Kaya ngayon ay masaya na ako at imbes na panghinaan ng loob ay nagkaroon ako ng pag-asa. Ngayon ay gumagawa ako ng paraan upang mawala na mga tigyawat ko at inaalagaan ko na ang aking sarili sa tulong ng aking mga kaibigan at pamilya. Hindi ako nag-iisa sa laban na ito, kasama ko sila na sumusuporta sa akin. Kung nakararanas kayo ng ganito o kahit na anuman na problema, wag kayong mahiyang lumapit sa mga kaibigan o pamilya ninyo. Sila ang makakatulong at magpapagaan ng inyong kalooban. Walang problemang mabigat kapag magkakasama itong hinaharap.
3
27
Kung nais mo talagang mawala ang iyong mga tigyawat. Matulog ng maaga , mag hilamos bago matulog, iwasan ang matamis at mamantika. Ewas sa alikabok at mga damit na ipinuounas sa mukha.
Marami ding paraan na owede mong e pahid sa mukha peronetoy subukan mo muna sa kaliqang braso para malaman mo kung ikaw ay alergic o hindi. Iwasan din mag lagay ng pick up kung nasa bahay lang.
Manuod ka ng mga magagandang vlog patungkol sa tigyawat for sure maiibsan yang tigyawat mo. At mag govoodbye kana sakanila.