Tanging Yaman

2 21
Avatar for Wawa
Written by
4 years ago

Ang Pilipinas ay isang mayamang bansa. Patunay dito ang pagkakaroon ng interes ng ibang bansa sa atin. Maraming bansa ang sumubok na angkinin ang ating lupain dahil alam nila ang natatanging yaman na taglay nito. Biniyayaan ang bansang ito ng napakayamang mga lupain at katubigan at dahil siguro ito sa pagiging arkipelago nito. Ngunit kung tunay ngang mayaman ang bansang Pilipinas, bakit hindi ito umuunlad at lugmok pa din sa kahirapan?

Oo, mayaman ang ating bansa ngunit mahirap naman ang mga mamamayan nito. Bakit? Dahil sa mga taong ganid sa kapangyarihan at nagbabalat-kayong mga lider na nais daw magserbisyo sa Pilipinas. Mga pulitikong huwad na namumulitika lamang at hindi tunay na serbisyo para sa mamamayan ang ginagawa. Mga pansariling kapakanan lamang ang kanilang inuuna kaysa sa kapakanan ng nakararami. Hindi umuunlad ang Pilipinas dahil sa pamumulitika at pagkasilaw sa kapangyarihan ng mga taong gustong pamunuan ang bansa. Uunlad lamang ang bansang ito kung matutuwid ang mga kabaluktutang ito at makakapili ang mga mamamayang Pilipino ng tunay na lider na ang hangad lamang ay maiangat ang bansa sa kalugmukang kinakaharap nito.

Bilang isang mamamayang Pilipino, umaasa pa rin ako na magbabago ang pamamalakad sa bansang ito. Umaasa pa rin akong maaabutan ko pa ang panahong aangat ang bansang ito at uunlad kagaya ng pag-unlad ng karatig bansa nito. Naniniwala ako na ang pagbabago ay makakamit lamang kung mayroong pagtutulungan at pagkakaisa. Bilang mga Pilipino, tayo'y magkaisa at magtulungan upang ating makamit at makita ang tunay na yamang taglay ng ating bansa.

6
$ 0.00
Sponsors of Wawa
empty
empty
empty

Comments

Sang ayon ako sayo ang ating bansa ay tunay na mayaman sa lahat ng bagay. Kailan lang na diskobre ang pag kakaroon ng natural gas sa isang bahagi ng Mindanao.

Yun napaka laking bagay sa Pilipinas kung iyon ay mag tangumpay segurado ang pag yaman ng ating bansa. ang gas isa sa pinaka kailangan ng buong mundo. Kaya etoy mabili sa mercado. World wide trading industry . Wow

$ 0.00
4 years ago

Nice

$ 0.00
4 years ago