Happy Father's Day

0 17

Ang ating ama ang tinaguriang haligi ng tahanan. Siya ang nagsasakripisyo upang maibigay ang pangangailangan ng kanyang pamilya. Bilang haligi, sya ay kailangang manatiling matatag at matibay upang hindi gumuho ang pamilyang kanyang binuo. Ngayong araw ng mga ama, atin silang pasalamatan sa lahat ng kanilang sakripisyo para sa atin. Ating alalahanin ang mga masasayang panahon na naigugol natin sa kanila. Iparamdan natin sa kanila ang ating taos-pusong pasasalamat sa kanilang mga nagawa para sa ikabubuti ng kanyang pamilya. Walang perpektong ama, may mga panahong nagiging mahina sila na nagiging dahilan sa pagkawatak-watak ng pamilya. Ngunit, kahit na ganon, atin pa ring pasalamatan ang lahat ng ama na nagbigay buhay sa atin. Huwag rin nating kalimutang magpasalamat sa Ama nating lahat, ang ating Amang nasa langit. Sa lahat ng ama at magiging ama pa lamang, Happy Father's Day sa inyong lahat. Mabuhay kayo!

1
$ 0.00
Sponsors of Wawa
empty
empty
empty

Comments