First Love a true story...

0 17
Avatar for WangYesha
2 years ago

June 3,2021

Hi magandang umaga po sa ating lahat tagalogin ko na lang para mabuo ko ng maayus ang kuwento ng first Love tungkul sa parehas na inampon ng kamag anak.

Itago natin sa Jony and Jenny si Jony ay 27 years old at ampon ng tita niya,si Jenny naman 15 years old at apon ng tito niya nakatira sila sa iisang barangay magkapit bahay sana pero medyo malayo so halus 12 years ang pagitan ng dalawa at si Jony ay barkada ni tito na umampon kay jenny.

Si Jony ay inampon ng tita nila mula pagka baby dahil sa marami silang magkakapatid . si Jenny naman ay inampon ng tito dahil nag ulila na sa Ama at nagka pamilya na ng iba ang kanyang ina at hindi tanggap ng asawa nito si Jenny.

Si Jony ay ok sa sitwasyon sa umampon sa knya pero si Jenny ay hindi tintrato ng maayus ng mga umampon dito.Nakikita ito ni Jony dahil barkada nito ang tito ni Jenny na nagpapalaki sa knya.

Naawa si Jony kay Jenny kaya niligawan niya ito kahit akam niyang minor de edad pa ito siya yung naging kakampi ni jenny sa lahat ng pasakit na nararanasan niya sa buhay si Jenny hindi naenjoy ang pagiging bata dahil puro trabaho gawaing bahay at bukid oag aalaga ng mga bata duon umiikot ang mundo niya hanggang sa nagdalagita ,siya yung taong hindi nakaranas ng mabuting aruga mula sa pamilya ni hindi nakaranas ng pagmamalasaki at pagmamahal mula sa pamilya. yun ang mga bagay na pinunuan ni Jony.

Niligawan niya si Jony at bago mag 16 years old si Jenny naging sila na. si Jony ang nag iisang taong nagmamahal at nagmamalasakit kay Jenny dito sa mundo maging anu at sino man siya Tanggao siyang buo ni Jony.

Pero ang mga taong umampun sa kanila both sides ay Againts sa relasyon ng dalawa naging mainit na hidwaan both sides.

Kahit pa mag barkada si Jony at tito ni Jenny Against siya dito dahil nakaka abala ito sa mga fawaing bahay ni Jenny hindi nila matrato ng gusto nila si Jenny dahil laging nakamata si Jony dahil araw maghapin at hanggang 11 ng gabi ito palaging nandun sa bahay nila.

Si Jenny naman ay ayaw din ng side ni Jony dahil sa lahi nito isang Native tribe ang pinamulan nito at dahil duon kaya ayaw nila sa kanya.at ang gusto nila para kay Jony ay isang ofw na nasa abroad nuong panahon na yun, ngunit ipinaglalaban ito ni Jony na hindi yun ang gusto niya.

At dahil duon ginawan ng magkabilang panig na mapag hiwalay and dalawa pagkapus ng tatlong Taon silang magkasintahan. inilayo nila si Jenny kay Jony dinala nila sa bagoiu, it was 1995 wala pang celpone nuon at wala pang facebook si Jony man ay nilayasan na niya ang taong ampun sa kanya nuong wala na si Jenny pagkalipas ng dalawang taon nasa tamang edad na si jenny para mag desisyon ng para sa sarili niya bumalik siya sa lugar na iyon at si Jony man ay nandun na rin pero kasal na si jony sa iba.

pinilit siyang ipakasal sa iba dahil nautangan ng umampun sa knya ang babaeng ofw. nuong araw na dumating si Jenny at nakita ni Jony pinuntahan at humingi ng tawad at ipinaliwanag kay Jenny na hindi yun ang gusto niyang mangyari pero naipit sa sitwasyon kinausap niya silang magtito at humingi ng tawad na hindi niya natupad na mga pangako kay Jenny.

Yun na ang pinaka masakit na nangyari sa buhay ni Jenny.

Kahit mulat ang mga mata ng tito ni Jenny sa nakitang nangyari sa pamangkin ni wala manlang comforting words na binitawan..

mabigat ang mga hakbang ni Jony na umuwi dahil waka siyang narinig na salitang kahit anu mula kay Jenny. dinala nila parehas ang sama ng loob at sakit ng nangyari nag asawa narin si Jenny para kalimutan ang nangyari pero ito ang naging first love nito.

After 27 yrs hinanap ni Jony si Jenny sa Facebook tinawagan at humingi ng tawad dahil hindi siya kailan man naging masaya sa buhay hindi siya nagkaroon ng peace of mind hanggat wala siyang narinig na pagpapatawad mula kay Jenny..

Pinatawad man siya ni Jenny pero parehas silang nanghinayang sa kanilang magandang pinagsamahan nuong araw..

nagkasakit man si Jony ngunit sinabi niya kay Jenny na hindi siya mamatay dahil may mision pa siya sa mundo na hindi pa nagawa at kong sakaling mamatay man siya gusto niyang sa bayan na kong saan sila nagka kilala duon siya ilibing kahit hindi na siya duon nakatira dahil nanduon ang good memories niya sa buhay..

salamat sa inyong pagbasa sa true story of my first love..

1
$ 0.00
Sponsors of WangYesha
empty
empty
empty
Avatar for WangYesha
2 years ago

Comments