Mag Asawang Ulang😅 Tanghalian na kumain na ba kayo? Ako di pa di muna ako nag scroll kasi alam ko ang mga pinoy na noisemate dito ay nag lalapag ng kanilang mga ulam na masasarap diba kakamulat lang ng mata ko medyo maulan dito ngayon kaya nakakatamad bumangon sarap humilata pero kakain muna ako para may lakas ulit para matulog hehe. Share ko muna itong ulang o hipon sa sapa po ito sa mga taga probinsya alam yan nong umuwe ako naligo ako sa sapa alam kng meronh hipon kasi yong may kinaykay na lupa sa tabing bato minsan pag ganun talangkao kagang ang meron pero same lang yan sa ganitong ulang nong kinapa ko yong paligid ng bato may kumagat..at yang lalaking ulang ang kumagat alam kong may asawa yan hinanap ko at yan me dalawa. Nong bata bata pa ako mahilig akong lumakad sa gabi para mag sunsun ng sapa sa amin marami kami niyan minsan malalaki pa dyan ang huli namin atalimango o kagang samin yong native. Masarap yan ilahok sa mga ginataan tulad ng labong sarap niyan yong lalaking ulang ho pala yong malaki ang sipit at yong babaeng ulang yong maliit na sipit para di malito😅 Ang kwentong Ulang ni Wan😅 Oh di lang picture yan dahil may kwento ikaw anong kwentong ulang niyo dadamay ko na kayo sa meron lang naman😂
18 comments
wag mo kainin kawaw. Or kainin mo sabay mo silang nguyain kahit papano magkasama parin sila sa bibig mo. wahhhh
Nilahok ko nga pala yan sa gulay mate papa ko kumain😅
What are the legs with the shrimp?
A native shirmp mate.
Wala ako kwento hahahaha. Sarap naman nian
Ay sayang hion siguro meron kaingay😅 anong lunch?
Laing lang ulam namen bumili lang ako sa carinderia
Hanggang sa silay kainin magkasama parin yarn ang forever ahaha
Kakagutom nga ang mga pagkain nila mate,ako di pa nakain kaya natakam ako dyan sa hipon mo
ulang pala tawag nyo dyan hehe.. sarap naman dyan pag gusto mong manghuli at walang ulam ligtas ang pang lunch at dinner
Bakit may pa heart mga shrimps na yan?
At ang wagas na pag mamahalan ay natapos kasi si kuya wan kinuha sila at kinain😂
Sarap ng kwento Este ng ulam mo kuya
Masarap din yan lutuin na ginataan
Wow ganda pala jan daming seafoods
Buti pa ang hipon may ka partner haha.
Ang cute nilang pagmasdan sis
I like shrimp very much it is very tasty fish and it is my favorite fish. But I know it's not a fish, it's a kind of water spooky.