Magandang umaga sa Lahat?
Okay ba ang morning ninyo? Nga pala masaya ako ngayon hehe di ko alam basta masaya ako🤣 may rason naman kasi para sumaya diba may nag c'care sayo, may mag go'good morning sayo, kumain ka bago pumasok sa work diba kahit inaantok pa puso mo pero pag nabasa yon mula sa taong mahal mo e mapapabangon ka talaga ay ano ba wan😅
Minsan ho kasi may problema pero minsan din gumagawa ang panahon para mawala ang problema mo nakapaligid pala saken mga nag mamahal at isa ang special dyan..alam mo kong sino ko sana okay ka lang din di ka nga pala nag rereply pero ok lang mas gusto kong namimiss ka😍
Kung inlove na lahat mga tao siguro namulaklak na ang umaga ng pusong pula hehe
San na nman napunta usapan..basta ayan kain muna ako bago work..kayo kain na din mga kaingay..
Matinong Tanong po sa nakaka-alam po lang mga kaingay ha..
Mama ko kasi pupuntang maynila sa December kaso ang naproblema ko kasi ay wala syang Vaccine. Di ko pina vaccine ang mama ko kasi dahil yan po ay nag 50-50 sa hospital noon di na talaga ngayon salamat kay Mahal @Neria31 na parang naging concern ko lang din oo nga pala walang vaccine si mama baka di maka sakay ng barko o eroplano...
Ang tanong ko kong may nakabyahe na ba na patawid sa dagat na walang vaccine?
Salamat ho sa makakasagot hehe. Good evening po..
Papasok na si Wan😂
Oh padaan lang kayo naman. Ako lang ba ang mag papatigil ng pag scroll mo?😂 saya no dami mga kaingay hahaha so ganun ho tagala pag nag mamadali wala na sa oras wala narin sa picture ang inalmusal ko kaya itong mukha nalang ang ipapakita ko..
Simple lang yan..hahaha ingat ho kayo sa maghapon sa mga magsisimba abay ingat po kayong lahat mga kaingay magdala ng panangga sa ulan mahirap na mahal biogesic ngayo tag 6 na dati lima lang diba hehe. Joke lang pero gat maari iwasan ang mag paulan mga kaingay..mahal ko kayo at yong isang special na mababasa to good morning sayo @Neria31 🥰
Sabi sa kanta mag mahalan tayong lahat..wala ho papasok na napapadaldal na naman ako..😂
Magandang maganda kayo sa gabi hehe.
6:37 na agad sadyang kay bilis ng araw at oras no pero enjoy lang tayo sa mga araw-mabagal man yan o hindi mahalaga ok tayong lahat sa maghapon.
Dadalaw lang ang inyong lingkod kasi magluluto na ako pagkatapos mag post ang niluluto ko pala ay yong sa latan😂 mag 555 tuna sardines nalang muna si wan ngayon wala ng oras sa pamamalingke.
Share ko na din ang mga ulam na yan parang nakaupong mga baby elephant hehe wala lang yan lang anf tingin ko hehe sya magandang gabi sa inyo.
Good afternoon.
Seryuso naman tayo ngayon kailangan kong lumiban muna sa work para mag pachea-up yong simpleng sugat kasi sa intuturo ng paa ko ay namaga di na kayang gamutin ni doctor Wan kaya kaiangan ko na ang doctor na magaling sa gamot baka lumala pa mahirap na. .kailangan ko sa trabaho.. Sa sapatos kasing ginagamit siguro to di nasanay paa ko sa ganun. Kaya ito kumain na muna ako dito sa jabbe para kumain at nakagutom na akala ko walnag pila meron pala kaya ang seste nito need kong umabsent 2:30 kasi ang pasok alanganin na..kain muna habang hintay si doc ang tagal naman niya hehe tara po kain.
Aklan River..
Good morning mga ka-wan kamusta kayo pagod na ako kagabi di na nakaupdate.
Share ko nalang po ngayon ang kuha ng kapatid ko kahapon pumunta sila sa Aklan River. At yan ang ganda ng sunset na nakuhaan nila.
Kung maalala niyo po nong nag post ako tungkol dito makikita yan kung paano halos umapaw ang malaking ilog na yan nong bagyong paeng.
Ganyan po kaganda ang sunset dyan pag maganda ang panahon kitang kita ang paglubog ng araw..
Usapang sunset..good morning sa lahat.
Move on na tayo sa nakaraan ang mahalaga ay yong Ngayon😂
Dito muna tayo sa nag babagang araw iste araw ng dapit hapon..ang bawat araw talga y may araw at ang gabi ay mayroong gabi basta di ko kasi makuha ang buwan makukuha ko lang yan pag nakasama na kita ikaw ang mag papaliwanag ng gabi kong madilim😂😜
Ka-mario kamusta nandamay pa no nga pala ang araw kasi mag didilim pag sapit ng gabi at ang gabi minsan madilim pag wala pang buwan. .sana makita at makasama kita sa fullmoon di lang puso ko ang liliwanag pati ang buong buhay ko magliliwanag kasama ka..😁
Dapat buwan ito ee kaso wala akong kuha ng buwan kaya ang araw lang muna sa ngayon sunset kong sa English😂 pasinsya na kayo ha busog naman ako okay lang to gusto ko ng umuwe ang nahahawa ako sa kalungkutan nitong area ko di sila enjoy kasama mga kj ba tawag don hahaha nakabreak si wan ayan tuloy nakapost na naman😂 byebye muna iponin ko muna unread ko mga mate hehe mamaya na ha haha.
Ang pagiging mag isa sa mahabang panahon ay wag kainipan, may plano sa mga dinarasal mo may sagot din ang panahon kung bakit. .?
Malamang inip ka dahil pag nag mahal ka minsan iiwanan ka ng walang paalam nasayang na naman nag panahon mo para doon.
Minsan may gusto ka pero ayaw ng nasa paligid mo minsan masa gusto pa nilang sila ang mag deside sa mga gusto mo.
Gang nawala nako ng panahon para pakinggan ang laman ng puso ko di ko na pinatibok kasi alam ko maraming kontra.
Lumipas ang mga taon tila ba sa hinaba ng dasal mo di mo alam nasagot na..andyan lang pala sya sa paligid ko nag hihintay mapansin nang pagtigil ng puso ko. Nawalan nako ng gana sa salitang Lobve di kasi pinapahalagahan pag binibigay ko.
Gang ako na ang pumansin yon pala sa pag pansin ko sa kaniya yon naren ang pag gising ng natutulog kong puso tumibok muli ng di ko inaasahan.
Salamat naren at napansin wag kang mag alala aalagaan ko ang puso mo sabi mo pinagdasal mo ko at ikaw din pinagdasal din kita..at tayong dalawa ang sagot sa dasal ng bawat isa😍 ilove you..alam mo kong sino ka😊
Picture na nagsasabi nagsisi asawahan na ang mga yan pero ako nanatiling mag isa kaya pala, dahil ikaw ang hinihintay ko..isang araw dadalhin din kita sa altar at ipapakilala sa sumagot ng dasal naten ang Diyos na nakarinig ng dasal ko at ng dasal mo😍
Oyy ang daldal ko na naman dyan na kayo papasok na ako😂
Masaya ka, ngumite ka!😊
Sabi ng canton ang saya niya sabi ng tinapay ang saya niya, wag kayong mag alala pag kayo kinain ko na, tyan ko ang magiging masaya😂
Diba ang saya hahha. Di feel ni wan ang magluto ngayon dahil sa panahon di ko mawari nagagalit na naman kaya minabuti kong magluto na laang ng canton at tinapay ay solve na solve na ang tanghalian hehe sa resort nalang ako mag kakanin mamaya maaga kasi ang pasok ko ngayon. Kayo kumain na ba tara kain tayo mga kaingay with hot na hot na ako iste milo pala😂 ka kornehan mo wan😀
Bigtime Morning!😊
Kamusta mga kaingay? Kamusta kayo gising niyo ba ay mabuti mahimbing o ano? Sana kasing himbing ko ang tulog ninyo. Nanaginip nagugutom lang pala ako hahaha tatlong tawa yan🤣
Dahil sa kapagod na gabi ang lumipas nadagdagan na naman abs naten wew abs daw meron naman talga mga ka-wan ikaw ba naman magbuhat ng mga gagamitin pagkalalaking gamit di ka magka abs dinaig pa ang workout sa gym eh haha
Pagdating ko kagabi di ko na nakain itong binili kong sandwich nakatulog nalang basta at kagigising lang kaya ito kain kain muna pakabusog sa second picture ikinagat ko na kayo mga kaingay hahaha.
Yan muna ang daldal ko na naman kain po muna tayo magandang umaga sa lahat🙃
Sunset!
Magandang gabi, good evening sa lahat kamusta ang gabing malamig dama ko na simoy ng hangin. Sanay ikay aking makapiling mayakap ka hehe nahahawa na ako ah 😂 pagagalitan na naman ako ni ms @Neria31 niyan hahaha.
Ayan dahil inspired ako araw-araw ay yan ang magandang view para sa mga nagmamahalan isipin niyo nalang ka HHW niyo ang mga mahal niyo habang nakatingin sa paglubog ng araw sabay mangarap. .na kayong dalawa lang lumubog man yan o lumitaw kayo at kayo parin pag dating ng araw. 😍 trabaho na si Wan ingat kayo mga kaibigan salamat sa pag basa at pagdalaw dadalawin ko nalang kayo mamaya😊
Pagkain muna tayo😋
Kamusta mga ka-wan ko diyan..ito na naman ang inyong lingkod nag babalik at makiki mario sa inyong mainit na pananghalian handa na ba kayo sa tag-ulan? Hmm wag mo ng isipin si ulan dumarating ng kusa yan kahit di mo hintayin gaya sabi ng suki ko sa gulay Wan? Di ka ba inaabot ng baha sa apartment mo..sabi koy hindi ho! Bat niyo naitanong..eh kasi paano kakaaraw lang uulan ulit nakakapagod ika😂 sabi ko wag kang mapagod sa ulan sadyang ganyan na talga ngayon nag babago ang lahat..di ko maintindihan post ko ah haha wan-wan na naman isip ko antok is real po talga in short lutang😂
Oh kain namang muna ho kayo dyan simpleng ulam lang po yan pero pag natikman mo makakalimutan mong may sinampay ka sa labas..teka umaambon na ga..o samapay ko pala ipapasok ko lang dyan na kayo😜
Di Kami bati ng tubig😁🤣
Dati-rati namab kasundo kami ngayon napapasigaw tuloy ako, unang basa sa talampakan mamartsa ka talaga inaway ko sya tuloy😅
Kalamigang umaga po sa lahat sanay ok lang kayo kamusta po mga anak niyo sa pag pasok..siguro may mainit namang tubig kaya ano po hehe...di ho biro ang lamig grrrrrrr!!!!
Babati lamang ho ako mga kaingay alam niyo gustuhin ko mang mag babad dito s amaghapon oara makipag chikahan o mario ng buhay ninyo ay need sa trabaho muna. Salamat sa mababait na tao na ang dodonate sa post ko..thanks po sa sa sinusubaybayan kung mga ibang lugar tanging puso lang ang maiialay ko alam niyo namang dudugo ilong ko😂 simple english like THANK YOU is salamat yan dala ng lamig hahaha..🤣
Oh mag kayak nalang tayo sino sasama..yan ang ganda na ipagmamalaki naten salamat at good morning sa inyong lahat.
Magandang gabi sa lahat.
Una sanay nasa mabuti kayong kalagayan ngayong oras. Ako nagkaroon ng oras makapag post kaya ito si wan nag papakita na naman. Malayo pa ang alas 12 at ngayon palang inaantok pa aki hehe..
Share ko nakang itong pununtahan naming minsan may kubong nkalutang pwede mong arkelahin pag maramihan kayo saya lang nito pwede kang umikot kong san mo man gusto. Nakakatuwa lang parang bahay na nakalutang..maraming nag aarkela niyan pag summer daming dumadayo..sasarap pa ng pagkain..
Yan muna wag na mahabang caption..good evening mamaya na naman ho tayo nito magkikitaan..adyos..po muna😊
Late na late na..lunch.
Napasarap ang tulig ni Wan. Babangon na ulit may pasok pa ng 3:30 ang gulo lang ng schedule ko nakakahilo hehe. Masarap pa sana matulog pero ayos na yon nakarecharge naman na.
Iniinda ko natong paa ko kumikirot di kasi sanay sa sapatos na ginagamut namin..hay..ito po gulay ko ngayon ang ampalaya na mapait hehe.
Kakain muna at maliligo ang bilis ng oras..ingat po magandang hapon sa lahat.
Umagang maganda sa lahat ng nagising ngayong umaga congrats sa atin nagising muli tayo. .
Medyo antok pa pero post muna bago balik sa pagtulog hehe kalamig ho baga sarap itulig yong matang inaantok pa.
Share ko nalang ang view doon sa aking bayan na maging isa na din ata to sa punupuntahan ng mga taga bayan kasi pag maganda ng panahon maganda ang ang view sorry nalang saken waka si mr sun nong pumunta ako dyan. .pero maganda padin naman.
Sarap makipagkwentohan pero gusto ko pang matulog😂 o kayo dyan tulog din ulit hehe
Good Evening Mga kanoise.app dyan magandang gabi sa iniba na naman ang schedule ko mga kaingay kaya ako ngayon heto panggabi na ulit maganda ngayon na asign ako sa pastry.
Mas nahahasa kasi ang kakayanan ko pag andon nakikita ko ang mga gawa ng baker.
Inaantok na nga po ako dahil wala masyadong guest kaunte lang ang gawain ayaw ko kasi pag naka tingga ako nminaantok talaga ako.
Mangangamusta po dadaan lag si wan mga kaingay. Picture ay noon pa yan nilagay ko apra meron manlang kayonng makitang picture.h
Marunong palang magluto si Wan😂😜
Kamusta kayo? Dami ko ng naamoy na biko ah parang bida ngayon ang biko hehe. Maulan ulan dito sa isla ako nagluto ng binili nila kuya na hipon ko anong gagawen bahala daw ako. .di sinigang ko nalang para may sabaw..
Luto naa at ako mauuna syempre ako ang nagluto hahahaha dami kong tawa mga lima😅 jayo anong ulam niyo dyan mga ka noise.app?
Gandnag umaga sa inyo mga kaingay.
Amusal na tayo daing ang ulam ko may ulam na ba kayo dyan. Kumain muna kayo bago pumunta a mga sementeryo maulan ddito sa isla sana dyan sa inyo hindi maaga nakong umalis sa bahay ito nga pala ang inulam ko kanina daing wala nna isda di ko alam anong tawag sa kaniya basta sya ay isda.
Dadaan lang si wan mag ingat kayo nasa work na nag inyong lingkod. .hehe sisilip lang mamaya. Magandang umaga ulit.
Bida ang Saya. 🥰
Bida-bida na naman si Jollibee bubuyog saken ngayong gabi hehe nakatipid ang inyong lingkod kahapon at kanina so ang natipid kahapon ay ibili naten ng jollibee nahihiya na kasi ako kay jollibee lagi na kasi syang nakangite sa tuwing dadaan ako sa lugar niya..kaya sabi ko sa kaniya pag naka save ako dadaan ako at kakain ako😅 sa puwesto niya.
Pero dahil malamig don ay minabuti ko nalng na iuwe hehe kalamig don e kita niyo kambing lang talga lamigin hahaha. O e solve ang sarili magpakabusog minsan lang yan.
Yong bagyo na kulang sa aruga abay lumalakas pa daw ah ingat kayo mga kababayan. Kain muna pala gutom na si wan.😂
Happy Halloween.
Di rin papahuli pagkain sa Halloween ah hehe ang cucute nitong baby pa ba to😅
Sabi ng ate baby crab daw to pero di na kako baby yan kasi nangngat na yan kitam mo naman mga sipit niyan..unanong alimango hehe. .masarap nga pala to sa suka na may bawang. Manok nalang sana binili ni ate mabilis kainin po ba.
Alimasag nga po pala yan uso ngayon pag tag bagyo kamusta kaya mga palaisdaan na umapaw noon ang dami sigurong napunta sa dagat non no.
Anyway bago ang lahat kain muna tayo at pagod si don wan😜😊
Good Morning😜
Maganda ang araw ngayon sana yong bagyong si Queenie ay malusaw na pambihira kakadaan lang ng isa ayan na naman sya hehe mga kulang ata sa aruga tong mga bagyong to😅
Noong bata ka isa ka din ba napalo ng nanay mo dahil sa kakulitan mo. Ako maraming beses na pero alam mo yong nakakatuwa ngayon, naisip ko na buti naranasan kong maging malaya noong bata pa ako nakapaglaro kahit na may palo. Ang saya lang balikan nong nakaraan syempre di na yan mangyayare ngayon..enenjoy ang pagkabata kahit sa simpleng paraan lang..
Ayan yong pamankin ko habang nag aantabay ng masasakyan tingnan niyo gawa nangangalakyat. Sino sama sa moon raodtrip tayo hahaha..ingat tayong lahat mga kaingay.
S U N S E T 😊
Nakikita kita pag may problemang dinadala, ibubulong ko nalang sa hangin ang hinaing ng puso't isip may kabalisahan man pero alam ko magiging okay lang ang lahat na sana pagmulat ng mata ko bukas mawala na din sa pag sikat mo bagong pag-asa na ulit.
Enjoy niyo ang view mga kaingay di ako mahilig mag edit mas maganda kasi natural na kulay porma bawat kinukuhaan ko. Pagkatapos ng bagyo may may PAG-ASA may kaulapan man sa tabi niya kita parin ang tunay niyang ganda💚
Sunset 🌇
Kainan na mga kaingay.
Kagigising lang mwdyo maganda na ang panahon ngayon dito sa Isla di man pa talga maaraw pwe wala ng ulan.
Ito po pinamalingle namin kanina may hipon pa kaming naabutan tahong sana pwro wala na kaya isda nalang na bangus kay kuya akin naman yang kaunting hipon sarap po niyan sa suka na may bawang at asin. Kaya kakain na muna ako mga kaingay may pasok pa ako mamaya.
Yong mga pamilya na lalabas mag ingat po at maulan pa ang panahon.
Happy Sunday sa lahat.
Good morning mga ka-wan-app
May kasiglahan na ang panahon ngayon lumiliwanang na ang kapaligiran unlike kahapon.
Sanay tuloy-tuloy na ang panahong maayos umaraw narin sana para makapaglinis nag mga nabahaan.
Simulan na nag pagbangon mga kaingay.
Maagang nagising si wan di po sa papasok ako kungdi sa nag popokpok ng martelyo may inaayos kasi sa kabila. Hay mamaya na nga lang makatulog ang tagal matapos.
Nag almusal na siguro kayo ako naman nag hahanap almusal pa mamalingke ako ngayon mag hahanap isda mag iihaw si ako..hehe good morning ingat kayo mga kaingay..
Boracay Beach💚
ART💪
Bago ako pumasok habang pinag didisyunan kung papasok o hindi nakagawa pa ako ng ubra pag marami akong isinasaisip pag ako lang mag isa basta kung anong sinimulan ng tuldok ng ballpen deretso na yan gagawa na ang isip ko na susundan ng kamay ko.
Dito ko nilalabas awa lang din meron ako sa kababayan ko wala namang kakayanan ang wan na katulad ko para matulungan sila. Pero sana bukas ok na at mawala na ng makapag simula ulit. Last post ko na ito mga kaingay papasok ako ngayong 3:30 kahit babagyo ok lang kesa mag mokmok dito sa bahay sa work nako mag uuniform at mag sasapatos baha kasi dadaanan ko ingat po kayo magandnag hapon.
Sanay magustuhan niyo😊
Bagyong Paeng😢
Ang sakit lang tingnan nito ang Aklan River na yan ay isang pinakamalaking ilog sa Aklan. Dayn lahat ang bagsak ng tubug ulan na galing sa ilang bayan na nakapaligid dyan ngayon yong dulo niyan ay mababang bayan na sigurado baha na sa ngayon. Imbes na pahina ay lalo pang lumalakas ang ulan na walang tigil. Sana wag ng lumakas at tumigil na wag na sanang umapaw yan kundi lahat ng kalibo ilang bayan malulubog sa baha.
Vedio kasi to SC ko lang may bahay na buong inaanod grabe ang pinsalang dulot nitong bagyo na to napakalawak ng sakop niya. Di ko alam makakapasok ako baha dito sa dinadaanan ko grabe ang ulan.
Nag uumpisa na din daw sa maynila🙏
Ingat kayo lahat mga mate.
Good Moning..kahit sabihin nateng di good ang morning mag pasalmat paren tayo na kahit may unos ay buhay tayo lilipas din ang dilubyong yan dadaan lang ang bagyong yan pero nag titiwala ako sa pilipino tunay tayong matapang sa kalamidad gaya ng bagyo nakakatuwa nga ang isang ale sa gitna ng baha may bitbit pang tanduay bakit daw malulungkot wala namang magagawa baha na e basta maging masaya lang at matatapos din yan madapa ka ngayon bumangon ka bukas YAN ANG PINOY💪
Kaya kahit malakas ang ulan walang magagawa ang baha papasok paren si Wan bago yan kape at almusal muna tayo ng maiinitan ang sikmura naten. Kain tayo ka-wan-app.
Good Evening.
Throwback Sunset from Boracay Iland Philippines.
Alam niyo sa kasiglahan ngayon ng isla dama din ang bagyong Paeng dito samin napakahirap na makikita mong kababayan mo lubog ang mga bahay. Kaya dito sa isla pag maganda ang panahon ganito naman ipapakita ni haring araw ang ganda niya sa tuwing lulubog sa hapon.
Sana makabawe may buhay na nawala bilang isang tayo resedente ng isang lugar pag alam kong nasampulan na nong nakaraang bagyo sana lumikas nalang ang mga bagay hayop maibabalik mo pa yan eh pero pag nawala ka namatay ka di mo na yan magagawa kawawa pa pamilya mong mangiiwan wag ilagay sa kamay ang kaligtasan wala kang laban sa rumaragasang tubig.
Condolence sa mga nawalan sana makabangon kayo mga kababayan. .KAYA NATON DON PANGAMUYO EANG ANG SALIG SA GINOO🙏
Pasinsya ha pagkain na naman ito😅
Bilang pinoy normal na sa atin ang kumain ng kumain lalo sa trabaho namin na kailangan pagkain talagang nakakatulong sa pang palakas ng katawan alam na ang katawan ang isa sa puhunan para may kitain sa araw-araw. Sa iba hikahos lahat ay nakadepende. .may trabaho may maganda at masarap isusubo sa bibig galing naman sa pinaguran natin diba kaya nga tayo nag tatrabaho para may kainin. Kaya di ako magtataka na halos lahat naman ng pinoy ay may menu masarap man yan o hindi basta masaya pag nakakakain lalo galing sa pinaghirapan..mga pinoy mahilig kumain hehe.
Tara po kain inihaw po na isda ulam ko bago pumasok sa trabaho kayo po dyan kumain na tara po kain tayo. Lutong probinsya po labong wala kaming mabilhan ng gata kaya ginawa nalang laswa ni kuya. Tarapo kaing tayo mga kapinoy😋 lunch meryeda.