Limang taon hinintay ang graduation sa college pero hindi natuloy dahil sa Covid 19.
Nakakalungkot isipin na ang inaasam asam na martsa ay di na makukuha at ang pagkakataon na masabi mo sa magulang mo na maraming salamat sa lahat ng sakripisyo nila para makatapos ng pag aaral.
Iyon ang pinakahihintay na kapalit ng limang taon na paghihirap at pagpupuyat ngunit hindi maibibigay.
Isang beses lang mangyayari sa isang tao ang grumaduate sa college pero naipagkait sa amin iyon dahil sa Covid 19.
Pero sa kabila non ay hindi maaalis sa amin ang mga natutunan namin na mababaon namin sa tunay na buhay sa labas ng kolehiyo na aming kinabibilangan.
Ang mga kaibigan na laging nanjan at alam mo na susuportahan ka at hindi ka iiwan.
Sa mga professor na naging bahagi ng college life mo na nagpahirap sayo pero sa kabila non ay nalampasan mo pa din.
Ibabaon ang mga ala ala na ito upang maging inspirasyon sa susunod na hakbang ng buhay.