Ang salitang hindi ko nais na marinig.
Sa tuwing na ririnig ko ang salitang yan parang wina wasak ang aking puso. Hindi ko alam pero ayon ang aking na raramdaman. Masakit man na isipin na ako ay isang "ampon" ngunit tanggap ko naman ito. Sapag hindi ako itinuring na iba ng aking mga magulang kahit na hindi nila ako tunay na anak. Lubos lubos ang aking pasa salamat sakanila dahil sila ang nag palaki sakin at ang naging magulang ko. Ganun pa man hindi ko maiwasan na makaramdam ng onting pag seselos sa kanilang tunay na anak. Isipin ko man na ako ay masuwerte na sila ang naging magulang ko hina hanap hanap ko parin ang pag mamahal ng tunay na mga magulang. Oo kilala ko sila sa tuwing na kikita ko sila hindi ko maiwasang mag karoon ng sama ng loob. At itanong kung bakit nila ako kailangan ipa ampon. Sa pag lipas ng taon habang ako ay tumatanda onti onti kong nai-intindihan kung bakit nila ako pina ampon. At ngayon masaya ako kasama ang pamilya kong nag palaki at nag mahal sakin ng sobra sobra. Nag papa salamat ako sa mga tunay kong magulang na tama ang naging desisyon nila na ako ay ipa ampon.
Isa sa aking pangarap ay mag-ampon ng isang sanngol na babae at paglumaki na sya ay sasabihin ko sakanyan ang totoo na ampon sya :)