Kumusta mga ka read cash. Maiba nga tayo, may mga article kasi akong nabasa na tagalog version, baka pwede rin akong sumali haha. Susubukan ko muna magsulat sa pamamagitan ng patatagalog, baka sakaling bubuti rin ang pagsusulat ko sa lingwahe na ito. Hindi kasi ako masyadong magaling sa filipino, noon, pati siguro hanggang ngayun. Palagi nalang maliit grado ko sa filipino, hayss. Kaya salamat sa read cash, may platform na tayo upang maipamalas ang ating kakayahan sa ibat-ibang mga lingwahe. Proudly bisaya kasi ako eh, kaya kailangan parin na pagsikapan matutunan ang Filipino.
Ang layo ko na sa topic, kaya eto na. Nakita ko ang post ni @Athaliah about minecraft, mahilig rin ako sa larong ito eh kaya flex ko narin yung saakin. Marami akong nagawa dito, sa totoong buhay lang wala talaga hahah. Gusto ko kayong i tour saaking bahay! sa minecraft pfft. Hahaha, hindi ako nag youtube sa mga design ko eh kaya basic designs lang muna.
________________________
Ito yung front view ng aking bahay, pwede narin cguro ito gawing bahay sa totoong buhay may mga floor plans rin yan, cr, bedrooms, terrace etc. Tapos may mga flowers na pwedeng pwede mong itanim sa gilid ng terrace haha.
Right Side nanaman tayo, hehe medyo wala pangang ilaw doon sa unahan kasi, anu ehh walang pambayad ng kuryente may ari haha. Maganda yung view pansin nyu ba yung mga stars sa itaas? By the way, mod yan texture kung gusto nyo mag download nasa playstore lang.
Texture for minecraft. Zero and skylec gamit ko. Salamat sa modders nyan. Kung gusto nyo rin ng ganyang texture maaari kayung mag download sa playstore.
At pang huli sa left side, makikita nyo may swimming pool, maliit lang yan kasi pang mid-level lang na bahay ito. Haha, sarap maligo tapos pwede kapang mag meryenda sa gilid ng kahoy, mahangin siguro dyan. Pero mas mahangin sa bahay namin kasi, di pa kompleto ang walls eh walang budget haha. Kaya pati ulan pamapasok, ayos lang! Atleast may bahay tayo.
Gagawa ako ng mga modern house sa susunod kong mga uploads, sana magustuhan nyu. At sana nagustuhan nyu rin bahay ko. Sabi ni papa, karpintero kasi siya, mga 1.4 million daw gagastusin kapag nagpagawa ng ganyang bahay. Ahmm balang araw ama, makakagawa rin ako ng worth 50m, kaso sa minecraft lang muna hahaha.
So english na naman tayo. Lol haha.
________________________
Thanks for stopping by dear friends! I hope you like it. By the way, I wanna give credits to @Athaliah for inspiring me with her amazing minecraft world tour.
Hawdaaa oiiii. snaaol jud hawd mubuhat balay sa minecraft