Block Engineer Minecraft: Modern house

4 31
Avatar for Vincent21
2 years ago

November, 20th 2021. Created 5:00 a.m

Magandang araw po sainyung lahat, lalo na sa mga filipino readers dyan na magaganda at gwapo wiiee. Laki ng pasasalamat ko at naaprobahan na yung last post ko patungkol sa minecraft, sa filipino readers 42bb, salamat po sa admin ng grupo. Nakita ko kasi na marami pala ang mahilig sa minecraft, di ko akalain na lalaki ang viewers ko kahit 20, ansaya ko na po. Balang araw, mas gagalingan ko pa ang paggawa ng mga designs dito, basta may makikita lang akong nagustuhan yung ginawa ko, grabe inspired na ako masyado niyan. Hahaha, burst up kaagad ang feeling eh.

Sa ngayon, ipapakita ko po muna ang modern house na napakatagal kong ginawa para lang dito sa read.cash platform haha. Mahilig rin kasi ako sa artworks, creativity at kahit ano basta happy lang, happy yarn?

Okay so ito na po! Sorry po sa mahahabang introductions at mga patawa na corny. Para may maiambag lang sa oras ng pagbabasa. Maraming salamat po at saiyung konsiderasyon.

________________________________________________

Okay! so magsimula po muna tayo dito sa isang namamasko sa napakalaking bahay ngunit wala namang tao. Tapos walang gate eh haha, pangit kasi ng disenyo ng mga gate kaya open nalang, sana may aso na walang tali para, sisigaw yan. Tahaha

Nakita niya na walang tao kaya sakanya na yung bahay corny haha. gusto ko sana gawan ng mga dialogue kaso, wala akong kaparty mas nakakatuwa sana kung may story line. Pero pagsisikapan ko sa susunod, para kahit papaano may story naman.

Ito po yung mga daylight screenshots ng bahay sa simulat simula ng paggawa hanggang natapos, haha. Wala pong tutorial sa youtube para dyan, sariling sikap lang po tapos, uminom ng mainit na native coffee na mainit at pares ng suman di ko alam ano sa tagalog yang "suman", bisdak kasi ako eh gahaha. Kayo alam nyo ba?

Setting up I-beam
left side
Top view

Alright! Sa nakikita nyo, pwedeng pwede po siya gagawin na bahay sa totoong buhay. Ayun napakaganda ng terrace, may mga tanim na nakapalibot upang mas malalanghap mo ang mabahong hininga, este preskong hangin na dadaloy saiyung mind and body. Hahah, tawa naman kayu ng konte oh. Sarap suguro tumira sa ganitong bahay eh no? Kaso kung ipapakita ko sainyu bahay namin, modern parin bahay namin maraming aircondition, countless panga, kasi butas na mga walls kaya malamig rin Tahaha.

Sa bahay na ito ay may swimming pool tapos may mga higaan. Sa gilid po niyan is dinning room na puro liquor ang laman kung gusto nyo. Pero para saakin chuckie at yakult lang ayos na ako, di ako umiinom eh haha. Ayos rin, kasi dyan sa gilid pwedeng lagyan ng mga halaman at bulaklak na gusto niyo, diba? May ideya na kayo kung gagawa man kayo ng bahay sa future.

Ayos! Ito nanaman, ang mga night shots na iniscreenshot ko lang rin hahaha. Maganda po yung lighting, siguro napakalaki ng kain ng kuryente niyan pati pa sa labas may ilaw, parang ayaw ipapitas yung mga bulaklak eh hahaha. Napakaganda po ng view hays naiingit nga ako ayaw naman akong papasukin kahit ako gumawa. Sana nagustuhan nyo po, di ko na uubusin captions ko, sapat na ang mga imahe. Feel the presence, joke lol.

Front

Sa panaginip ko lang talaga natulugan iyan, ganyan talaga yung design tapos Minecraft ang graphics, akin daw yang bahay. Paggising ko, natawa ako eh. May mga panaginip palang pati yung emosyon mo ay nararamdaman mo. Na parang totoo talaga. Kayo rin ba? Haha kadalasan, sa mga crush nangyayari, ansaya mo pero paggising mo, issaa prankkkk! Gising kana ba? Hahaha.

___________________________________

Nagustuhan nyo po ba? Haha, gagawa pa ako nang mas nakakamangha sa susunod, stay tuned for more updates, at i click ang notification bell. Youtube lang? Tahaha corny. So balik na naman tayo sa english, ending caption.

Thanks for stopping by and took a lil peek of my newly created modern house. I hope you like it as well (Music).

3
$ 1.23
$ 1.15 from @TheRandomRewarder
$ 0.05 from @Athaliah
$ 0.03 from @Sequoia
Avatar for Vincent21
2 years ago

Comments

Naol engineer yarn hehe pabuhat kog balay lods

$ 0.10
2 years ago

Kakapagod lods

$ 0.00
2 years ago

Very talented talaga oii. Sanaol jud hawd ana.

$ 0.02
2 years ago

Sana walang halong biro tahaha

$ 0.00
2 years ago