Tips and recipes😍
MGA TIPS AT PALAALA SA PAG GAWA NG PUTO (eto po ay base sa na experienced ko).
- at para matututo intindihin mo muna ang recipe bago gumawa.. gumamit ng baking measuring cups and spoon nabibili un package na nasa 50petot sa palengke, groceries or any supermarket.. basta willing matuto walang imposible wag ma di-discourage ang pag luluto ay trial and error.. basta never give up..
1. Bago gumawa ng recipe i check muna ang Baking powder na gagamitin para sa mas mabisa at magandang pag alsa ng puto.
Papaano mag check:
-Mag lagay ng 1/4 cup water sa isang clear na baso at mag lagay ng 1/4 tsp ng baking powder pag nag form ng maliliit na bubbles okay pa syang gamitin pero pag di na wag na po syang gamitin at ma aaring itoy maging dahilan ng di pag alsa ng inyong puto (maaring ang inyong baking powder ay na exposed na or luma na kaya better to put it in an airtight container).
2. Maging maingat sa pag sukat ng mga sangkap or ingredients, ang kulang or sobrang pag sukat ng sangkap ay ma aaring maka apekto sa lasa at appearance ng puto.
Halimbawa: kung ang sukat ng baking powder ay sumobra sa hinihinging amount ng recipe ito ay mag kakaroon ng apekto sa lasa ito ay mag lalasang mapait or mapakla at maaring di makain, pag ito nmn ay kulang ma aaring ma apektuhan ang pag alsa ng puto.
3. Considered din po yung flour na ginagamit as much as possible gumamit po either All purpose flour or cake flour kung gusto ng mganda maputi at makinis na out come.. pwede din nmn po ang 3rd class flour pero di po ganun kaganda ang klalabasan pero masarap pdin nmn po.
-maging sa mga pag sukat ng mga liquids ay maating maka apekto kung ito ay sosobra kaya maging maingat. pero you can add atleast 2Tbsp of water in case na masyado pong malapot ang batter ng puto (yung mixture po must be runny)
4. Para po sa makinis na puto after mahalo ang lahat ng mga ingredients salain lang po ang mixture or puto batter at least 3x or tatlong beses maa-achieve nyo na po ang kinis texture ng puto at huwag i over steamed. pero in case
-para nmn po sa puting kulay gumamit lang po nga All purpose flour or cake flour.. tapos white sugar, gumamit ng powdered milk instead of evap, used butter or vegetable oil instead of margarine like star margarine or mga tag kilo sa palengke pero yung refrigerated margarine like buttercup, dairycream, bakers best etc. ay pwede pong gamitin.
5. Pag dating sa pag lagay ng water sa steamer wag masyadong madami or wag papa abutin sa kalahati ang tubig sa steamer dahil ang water ay malapit sa mixture at kapag ito ay kumulo maaaring matalsikan ng water ang mixture or mabilis ang pag akyat ng tubig na reason nadin kung bakit di ganun ka ganda ang alsa ng puto.
6. Pag dating sa apoy kung gusto ng dome o umbok na puto low fire lang sya para iwas putok. Kung gusto nmn ng putok sa pag kaka putok na puto o putong naka smile high fire nmn ang gamitin.
7. Lagyan po ng tela ang takip ng steamer upang maiwasan ang pag tulo ng tubig na galing sa takip ng steamer papunta sa mixture (kahit anong luma pero malinis na tela or old shirt).
8. Para mas maganda ang pag alsa ng mga puto wag pong mag gi-grease ng kahit anong oil or butter sa puto molder.
9. Para po sa buo, shiny at magandang cheese toppings wag po munang isasabay sa pag steam ang cheese ilagay na lang po sya 2mins. Bago maluto.
10. Hintaying lumamig ang puto completely bago sya ipatong sa iba pang puto para iwas n dumikit at mag crumbly.
Take note po sa mga sumusunod:
Tbsp-tablespoon-kutsara
tsp-teaspoon-kutsarita
Iyan po ay ilan sa abbreviation na ginagamit sa baking at ma i-encounter nyo po sa mga recipes..maging ma ingat po dahil minsan nakakalito.. ang kutsara po or spoon nabinabanggit sa recipe ay mag kaiba sa pangkaraniwang kutsara na ginagamit natin sa ating hapag kainan.. gumamit po ng tamang panukat para sa accurate at magandang resulta ng produkto
-"click po ang bawat larawan para sa caption at dagdag tips..
At pagkatapos basahin at intindihin ang mga tips at pa ala-ala ma-aari mo ng subukan ang nasa ibabang recipe.. recipe CTTO.. maraming salamat po.. good luck and happy cooking
PUTO ALA GOLDILOCKS
INGREDIENTS:
2 Cups All Purpose Flour (APF)
1 Cup white sugar (depende po ung tamis ng inyong panlasa ako po ginawa ko lang syang 3/4 cups)
2 Tbsp Baking Powder
1/2 Cup Bearbrand powder ( gamit ko po 2 sachet ng bearbrand swak pack)
1/4 tsp. Salt
2 Tbsp. Melted Butter(kung wala pong butter pwede pong gamitin ang vegetable oil or melted margarine kaso sa margarine like starmargarine hindi po ma a-achieved ang puting puto na ninanais.)
1 & 1/2 cup water
1 egg
(Kung gusto ng ma cheesy puto you can add 1/4 grated cheese sa puto mixture-optional lang po kung gusto)
Procedure:
-Pagsama samahin at haluing mabuti ang mga ingredients.
-salain para makasiguro na walang lumps or buo buo.. at para sa smooth na texture ng puto..
(if ang puto po ay masyadong thick or malapot add lang po kayo ng 1Tbsp na oil at 1Tbsp na water)
NOTE: if gusto po ng makulay na puto devide lang po ang puto batter or mixture base sa kung ilang kulay ang gustong gawin at ilagay sa magkakahiwalay na bowl then patak patak lang po ng food color hangang sa ma reached ang inyong desire color.
-pagkatapos ay isalin sa Puto molder at
Steaming period 10mins (low-medium heat)