Nasasaktan

2 15
Avatar for Vinamea24.-
3 years ago

Kapag nasaktan ka umiyak ka lang ng umiyak, iyak ka lang hangga't gusto mo hayaan mo yung mga mata mo na ilabas lahat ng sakit na nararamdaman mo, hayaan mong tumulo yung mga luha mo sa kumot at unan na naging sandalan mo sa mga oras na nasasaktan ka, hayaan mong basain ng mga luha mo yung kumot at unan mo, hayaan mong makatulog ka sa mga basang unan mo at hayaan mong patulugin ka ng sarili mong mga luha at sa muling pag gising mo hayaan mo ulit yung mga mata mo na ilabas lahat ng luhang gusto niyang ipatak hayaan mo yung sarili mong umiyak hangga't kaya mo umiyak ka lang ng umiyak hanggang sa maramdaman mong pagod kana hayaan mong yung sarili mong umiyak hanggang sa maramdaman mong kaya mo na ulit ngumiti at tumawa dahil yang bawat pag iyak mo ang syang magpapatunay na matapang ka matapang ka dahil tinanggap mo lahat ng sakit, hinayaan mong masaktan ka hanggang sa maramdaman mo na yang mga luha mo ang siyang mismong naghilom sa sugat na nasa puso mo yang mga luha mo ang magtuturo sayo kung paano maging matapang dahil yang mga luha mo ang siyang magiging dahilan kung bakit mas pipiliin mong lumaban kahit ilang beses kapa matalo, pipiliin mong bumangon kahit ilang beses kapa madapa dahil yang mga luha mo ang magpapa alala sayo na ano mang sakit ang maramdaman mo lahat ng iyon ay may katapusan din kaya wag kang matakot umiyak.

3
$ 0.00
Avatar for Vinamea24.-
3 years ago

Comments

Minsan nakakaranas din tayo ng kabiguan, kaya naiiyak tayo dahil d natin makaya,at maka move on

$ 0.00
3 years ago

Kaya nga 😢

$ 0.00
3 years ago