Homemade ice cream

0 13
Avatar for Vinamea24.-
4 years ago

( 4 flavors in One recipe)

INGREDIENTS:
2 pouch (250ml) All Purpose Cream
1 can (big) Condensed Milk (any brand) you can add another 1small can of condensed depende sa prefer mong tamis)
1 can (big) Evaporated Milk

-Para sa FLAVORING
Prepare na din po ang mga ingredients needed para sa pag gawa ng mga sumusunod na flavors, bale after pong nagawa ang ice cream mixture hinati ko po sa apat ang mixture (1& 1/2 cups for every rectangular clear pack) or depende po sa inyo kung ilang flavors ang gagawin nyo at gano karami ang ice cream mixtures ng bawat lalagyan).

COFFEE CRUMBLE FLAVOR
Ingredients:
2 sachet nescafe single stick (pwede nyo pong dagdagan depende po sa intense ng coffee taste n gusto.
1/4 Chocolate chips (pwede din po ung mga chocolate bars chopped na lang po)

VANILLA FLAVOR
Ingredients
1-2 Tbsp Vanilla
1/8 cup of chopped nuts (any nuts available)

COOKIES & CREAM FLAVOR
Ingredients
3 packs (3pcs of cookies in every pack) oreo cookies or cream-O cookies (durugin pero hindi durog na durog)

CHOCOLATE FLAVOR
ingredients:
1/2 cup Choco frosting (i used hershey choco frosting) plus 2 Tbsp hershey cocoa powder
(Pwede nmn po na cocoa powder lang tanchahin na lang po ung cocoa powder n ilalagay)
Or kung hindi padin po available ang mga nabanggit pwede po ang milo 3-4 sachet depende po sa prefer nyong panlasa.

Procedure:
1. Chill muna sa ref ang lahat ng ingredients at least 8hrs or over night bago gamitin (mas chilled mas maganda ang volume or pag ka fluffy ng cream sa gagawing ice cream)
2. After chilling all the ingredients.. sa isang bowl ilagay ang lahat ng all purpose cream i-beat gamit ang electric hand mixer kung wala mano manong beat gamit and wire wisk hangang sa maging creamy at mag volume.ang creamer.
3. Pagkatapos ilagay na ang condensed ng dahan dahan beat, then ang evap ilagay din ng dahan dahan beat ulit about 10mins.
At pag katapos ay pwede ng gawin ang mga flavor ng ice cream.
4. Para sa Coffee crumble flavor ice cream.. Sa panibagong bowl mag salin ng 1 & 1/2 cups ng ice cream mixture ibuhos ang sachet ng kape at i beat hangang sa well incorporated ilagay ang mga chopped na chocolate (magtira para sa toppings at gamit ang spatula or kahit na anong pang halo dahan dahan na haluin, pagakatapos at pwede ng isalin sa iyong prefer n lalagyan.. ilagay ang natirang chocolate sa ibabaw, takpan at pwede ng ilagay sa freezer.
5. Para nmn sa vanilla flavor ice cream.. banlawan ang bowl na pinag gamitan ng na unang flavor pagkatapis ay muling mag salin ng 1 1/2cups ng ice cream mixture ibuhos ang vanilla at muling i beat hangang sa well incorporated.. lagyan ng nuts at haluin gamit ang spatula or anu man na pwedeng pang halo at pwede n syang ilagay sa iyong prefer na lalagyan takpan at i freezer.
6. Para nmn sa cookies andcream flavor direkta ng isalin ang ice cream mixture sa inyong prefer n lalagyan ilagay ang kalahati n dinurog na cookies at haluin gamit ang spatula or anu man n pwedeng ihalo, pagkatapis ay ipang toppings ang natitirang cookies takpan at pwede ng i freezer.
7. Para nmn po sa Chocolate ibuhos ang chocolate syrup at ung coacoa powder sa natitirang ice cream mixture sa bowl.. i beat hangang sa well incorporated na sya pwede ng isalin sa inyong prefer n lalagyan takpan at i freezer.. (pwede pong cocoa powder lang or MILO kung hindi available tanchahin nalang po ng ayon sa inyong panlasa.)

1
$ 0.00
Avatar for Vinamea24.-
4 years ago

Comments