Fresh lumpia

0 6
Avatar for Vinamea24.-
3 years ago

Fresh Lumpia w/ homemade egg wrapper and peanut sauce

Ingredients:
Repolyo
Sayote
Singkamas
Kamoteng dilaw
Carrot
Tokwa
Giniling (pork)
Sibuyas 
Bawang
Magic sarap

Egg wrapper: (10-12 pcs po nagawa ko sa recipe na to,medium size)
1 cup of apf
2 eggs
2 tbsp oil
1 1/2 cup water
1/4 tsp salt
1 tbsp Oil ( para sa pan)

Peanut sauce: 
1 cup Coconut milk
1/2 - 3/4cup washed/brown sugar
2 cups water
5 tbsp cornstarch
3 tbsp peanut butter
Soy sauce (para sa kulay)
Garlic

Procedure:
1. Hiwain ang tokwa ng maliliit na dice at iprito,pag kaprito po i set aside
2. Mag gisa ng sibuyas at bawang,ilagay ang giniling (1/4kg pwede na po)tuyuin ng bahagya at isama na ang tokwa.
3. Ilagay ang carrot,sayote,singkamas at kamote.haluing mabuti (lagyan ng 1/2 cup water)
4. Pag medyl half cooked na ang gulay,ilagay ang repolyo at magic sarap.(depende po sa panlasa nyo kung dadagdgan pa ng asin).
5. Hanguin na after 5 mins.palamigin

Egg wrapper:
1. Paghalu haluin lang ang mga sangkap hanggang sa parang pancake batter na sya na medyo malabnaw.
2. Pahiran ang pan ng oil,initin sa pinaka mahinang apoy.
3. 1/3 cup po ang sukat ko sa bawat wrapper (medium size). Pag nailagay na ang batter sa pan,gumawa ng bilog (buhatin ang pan at igalaw para makagawa ng bilog)
4. 15-20seconds lang po ang pag luto ng wrapper.

Peanut Sauce:
1. Pagsama samahin sa isang kaserola ang mga sangkap pwera sa garlic at soy sauce.
2. Tunawin ang cornstarch sa 1/4 cup na tubig at isama sa kaserola.
3. Buksan ang kalan sa medium fire,haluhaluin ito hanggang sa kumulo at lumabnaw.
4. Pag kulang pa sa labnaw mag dagdag ng cornsarch paunti unti.
5. Lagyan ng soy sauce kung sa tingin mo kulang sa kulay.at hintaying maluto.
6. Hiwain ang bawang ng pino at ilagay sa mangkok na may tubig.

Iwrap ang gulay at lagyan ng sauce at bawang. ☺

1
$ 0.00
Avatar for Vinamea24.-
3 years ago

Comments