Coffee jelly

0 9
Avatar for Vinamea24.-
3 years ago

How to Make Coffee Jelly

Ingredients:

1 - Mr Gulaman (color black or yung white alam ko meron nun) P13
1 - Condense milk - P30
1 - Nestlè All Purpose Cream - P50
1/2 cup - Sugar - P15 (Optional)
1 - 3 in 1 Coffe Twin pack (Great taste white) - P12 or pwede din yung coffee na nasa stick
Total ng nagastos ko = 120Pesos

Procedure:

(May procedure naman sa likod ng pack ng Mr.Gulaman kung paano lutuin)

Pero eto 😅
Magpakulo ng tubig
Pag kumulo na ilagay na ang isang pack ng Mr.gulaman
Hayaan itong kumulo. Ilagay ang 3 in 1 Coffee at lagyan ng sugar kung gaano karami o katamis ang gusto mo sa jelly. Nasa sayo kung lalagyan mo pa ng sugar yung jelly mismo. 
haluin ito hanggang sa maluto.
Pagkatapos isalin ito sa isang lalagyan hayaan lumamig at tumigas o di kaya ilagay muna ito sa ref for 10minutes.
After 10minutes hiwain ang jelly ng maliliit pa square. At ilagay sa isang mixing bowl. Ilagay na din ang Condense milk, at Nestlè All purpose cream. Kung ayaw niyo ng sobrang tamis pwede tantyahin kung gaano katamis ang gusto mo. Pwede din walang sugar. Depende po sayo😊
Pagka tapos nito ilagay sa ref hayaan lumamig para mas masarap.

1
$ 0.00
Avatar for Vinamea24.-
3 years ago

Comments