Ingredients:
1 3/4 cups All Purpose Flour
2 tsp baking powder
1/4 tsp salt
1/2 cup butter (softened)
1/2 cup granulated sugar
2 eggs
14 oz condensed milk
1/2- 1 cup quick melt cheese
1 cup shredded cheddar cheese
Almond nuts (sliced, optional)
Procedure:
1. Pagsama-samahin ang flour, baking powder at salt, gumamit ng salaan para siguradong pino talaga, set aside.
2. Ilagay sa isang large bowl ang softened butter, gamit ang electric mixer, i-beat ang butter, onced beaten na ilagay ang sugar at beat ulit.
3. Isa-isang ilagay ang itlog at i-beat ng marahan.
4. Hatiin sa tatlo ang mixture ng harina, ilagay ang 1st part, gamit ang electric mixer, haluin ng marahan saka ilagay ang half ng condensed milk, isunod ang 2nd part ng harina, beat then other half ng condensed, beat tapos panghuli ang natitirang harina tapos i-beat.
5. Ilagay ang quick melt cheese, I used 1 cup for mine. Ilagay ang nuts kung gagamit saka haluin gamit ang spatula.
6. Ilagay sa muffin liner, hindi directly sa muffin pan kasi may possibility na dumikit because of the cheese. 3/4 lang para hindi mag-overfill, aalsa pa kasi yan kapag na-bake na. Ilagay ang shredded cheese sa ibabaw, asa inyo na kung gaano kadame.
7. Ways to cook:
Conventional Oven: Pre-heat ang oven sa 350°F at kapag ready na, ilagay ang muffin pan at hayaan na mabake for 20-25 minutes kung regular sized baking cups ang gagamitin gaya ng gamit ko.
Improvised Kawali Oven: Pre-heat ang kawali for 5-10 minutes, once ready, ilagay ang pan sa kawali at hayaan maluto for 23-27 minutes, depende sa laki ng hulmahan.
Do the toothpick test para masigurado na luto na ang muffins.