Baking soda Vs. Baking powder

0 12
Avatar for Vinamea24.-
3 years ago

Sa mga ngtatanong kung ano pagkakaiba ng baking powder at baking soda at anong gamit nito sa pagluluto. Heto na po😊😊😊

* Baking Soda at Baking Powder ay parehong leavening agent.

Ano ang LEAVENING AGENT-
Ito ay isang sangkap n kapag nahalo sa batter o dough ay ngkakaroon ng foaming reaction pra maging light, fluffy at soft ang texture. Ito dn ang mgpapa-alsa s lulutuin nyo. Kabilang dito ang yeast.
Ang mga leavening agent ay gumagana lng kpag bago at tamang tama ang sukat.
Note: Kahit magkakapareho sila, hnd sila pwedeng ipang-substitute o pagpalitin.

_____________________
BAKING SODA-
or SODIUM BICARBONATE
*Ito ay isang alkaline ingredient n nagrereact o naa-activate ng acid ingredient ng isang dough o batter. (example ng acid ingredient: suka, buttermilk, brown sugar, lemon/calamansi juice,etc)
*Gagana lang ito kapag my acid ingredient ang recipe nyo. Kaya hnd sya pwedeng gamitin kapalit ng ibang leavening agent sa ibang recipe na walang acid ingredient
*Kapag nasobrahan ng baking soda at kulang sa acid ingredient, my naiiwang baking soda sa dough o batter kya my nalalasahang prang metallic o sabon na lasa.
*Freshness check, paghaluin ang baking soda sa suka. Kapag bumula(bulang bula), ok yn. kpag konting bula lng o wlang ngyari, hnd na magagamit.

__________________________
BAKING POWDER
*Ito ay combination ng baking soda, starch at dry acid(cream of tartar)
*Karamihan na sa baking powder na mabibili ay double acting. Nagrereact na sya kpag:
1.nabasa kapag pinagsama na ang wet at dry ingredients,
2. at kapag nainitan, habang niluluto.
*Dahil my sariling acid na ang baking powder, ginagamit nmn ito sa mga recipe na hndi kinakailangan ng acid ingredient.
**Freshness check, mglagay ng baking powder sa mainit na tubig. pg bumula, good. kpag wlang reaction, itapon n.

_________________________
Note:
Ang baking soda ay 4 na beses na mas matapang kumpara sa baking powder.

__________________________
Question:
*Bakit minsan pinagsasabay ang baking soda at baking powder sa isang recipe?
Answer
-Nasa pagbalanse. My recipe na my acid ingredient pero hindi sapat ang hangin na napoproduce ng baking soda para mapa-alsa ang batter, para hnd n mangailangan p ng dagdag n acid kya ngdadagdag ng baking powder.
-Nkaka apekto dn sa lasa ang baking soda at baking powder.

Sana po makatulong.

2
$ 0.00
Avatar for Vinamea24.-
3 years ago

Comments