read.cash Log in
@Vin0

ᗩᑎG ‘ᑕᗩKE’ ᑎI ᒪOᒪO Ano kaya’ng mainam Na hapunan ngayong gabi? Yan ang tanong ni Lolo Sa sariling naiinip Binuksan ang kaldero Kaning lamig na kaunti Sa paningin ay tumambad. Maya-maya’y naalala Biniling lutong monggo sa kanto Bagaman at ginisa Ngunit wala namang sahog Masarap sana ang timpla Subalit parang may kulang pa. Kaya sa ref naghalungkat Nilagang itlog ay nakita Tira nung isang araw pa Pero di pa naman panis Masayang binalatan At hinati sa apat. Ngayon ay kumpleto na Ang pagkain ni Lolo Imahinasyon ay lumikot Saka biglang napangiti Isang presentasyon pala Ang nabuo sa isipan. (𝘝𝘪𝘯 𝘙𝘦𝘢𝘧𝘰𝘳𝘵, 𝘖𝘤𝘵𝘰𝘣𝘦𝘳 22, 2022) ~•~ Isang maganda at mapagpalang gabi po sa lahat. 💙 https://noise.app/Vin0 =♤= #VR_Photography #mypoem #poetry #dinner #food

23 comments

Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.