Mensahe para sa anak sa langit

0 9
Avatar for Vanz23
Written by
3 years ago

Ang araw na nalaman ko tungkol sayo

Hindi ko alam kung ano aking gagawin

Bumagsak,natakot at umiyak dahil alam kung hindi ko pa kaya

Natulog ako at himawak sa iyo

At napapagaan mo mo ang narararamdaman ko

Tuwing gigising ako sa umaga

Nagsasabi ng magandang umaga sa iyo😇

Kumakain ako at ng sa gayon maging malakas tayong dalawa

Sa mga buwan pinapanatili kitang protektado

Aking anak, na ako ay umiibig sa iyo

Aking anak na babae/lalake ang aking hindi pa isinilang na pag-ibig

Ikaw ay isang regalo na ipinapadala sa akin mula sa itaas.

Nalaman ko ang pag-ibig na iba at iyon ang pag-ibig s apagitan ng isang anak at ina.❤

Anak, sa gabi ng trahedya ng aking buhay sumimiklab ang langit at lupa sa iyong pagkawala... Hindi ko man lng nasilayan ang iyong mga ngiyi sa iyong labi💋

At hanggang ngayon lumipas ang araw ,buwan ,at taon ang dumaan ako parin ay nasasaktan

Umaasa na sana ika'y aking kasama pa..

Pero alam ko hindi na mangyayari dto sa mundong ibabaw.Antayin mo lang ba tayo ay magkakasama sa buhay na walang hanggan

At sana ako ay iyong makilala na ako ay iyong Ina...

MAHAL NA MAHAL KITA.... At namimiss kita araw2x

❤Mama,

1
$ 0.00

Comments