I broke up with my Accountant girlfriend.

13 16
Avatar for Valryan14
3 years ago

BROKE UP WITH MY ACCOUNTANT GIRLFRIEND

Naabutan ko ang girlfriend ko na tutok na tutok nanaman sa kanyang notebook pati sa calculator.

Notebook at calculator ata talaga ang boyfriend nito at hindi ako.

Napangiti nalang ako nang may maisip na kalokohan.

Tumakbo ako papalapit dito, at niyakap s'ya mula sa likuran.

"What? Nag so-solve ako dun ka muna!" Kunot ang noo n'yang saad habang may tinitipa sa calculator.

"Puro nalang calculator, ako naman muna." I whispered.

"I'm busy! Can't you see? Mamaya ka na." 

"Lagi nalang ako mamaya? Pagdating sa 'kin puro mamaya? Edi yang calculator nalang jowain mo, tutal yan naman lagi mong inuuna!" Nakanguso kong saad.

"Oo, mas importante kase 'to." Saad n'ya, na parang wala lang.

"Edi mag break na tayo! Mas importante pa pala yan kaysa sa 'kin e!" Inis kong saad at tumayo na.

"Seryoso ka?" Tumigil ito sa ginagawa at humarap sa 'kin.

"Mukha ba akong nang gagago?! Pagod na ako, lagi ka nalang ganyan! Pati ba naman calculator kaagaw ko na sayo?!" Malakas kong saad at tumalikod na, akmang aalis na ako nang pigilan n'ya ako.

"Teka lang naman!" 

Nakahinga ako ng malalim nang pigilan n'ya ako.

"What? Nag sisisi ka na ba?" Masaya kong tanong.

"Hindi, pero yung mga ginastos ko sayo, remember?" Nakataas ang isang kilay n'yang saad.

W-What?

Kinuha n'ya ang kanyang notebook at may ipinakita sa 'kin.

"A-Ano to?" Saad ko nang makita ang mahabang listahan.

"Tatlong page yan! Yan yung mga ginastos ko, nung sinabi mong naiwan mo yung pera mo, nung nag date tayo, nandyan lahat ng utang mo." Saad n'ya at iniabot sa akin ang notebook.

I scanned her notebook, and shit!

"60,000?!" Nanlalaki ang mata kong binasa ang total ng lahat.

"Yes, actually kulang pa 'yan, I invested my time, money, and feelings! Bayaran mong lahat 'yan bago ka makipagbreak!"

Para akong naubusan ng dugo, at nang hina!

San ko kukuhain yung 60,000?!

"B-Babe, may sasabihin sana ako sayo e'." Nahihiya kong saad.

"Ano 'yon?" 

"It's a prank babe! Di ako makikipagbreak!" Palusot ko at niyakap s'ya.

"Ikaw talaga!" Pabiro n'ya akong hinampas.

"Sige lang babe, mag solve ka lang d'yan take your time! I love you."

"I love you too!" She said as she kissed me.

HAHAHA subscribe for more! 😊

7
$ 0.00
Sponsors of Valryan14
empty
empty
empty
Avatar for Valryan14
3 years ago

Comments

Oo sa sususod gagawin ko talaga. Sana may makapansin sa gagawin ko hahahaha.

$ 0.00
3 years ago

Mapapansin yan, lalo na pag boosted 😂

$ 0.00
3 years ago

Kaso lang minsan nagkakaproblema daw sa mga reach ng mga nagboboost. Sabi ng iba sayang lang daw.

$ 0.00
3 years ago

Sana all moment nanaman. Ang cheesy pero pwede na rin. I hope to see more of these funny stories about having a relationship.

$ 0.00
3 years ago

Hahahah sana all ka nalang sir hahaha

$ 0.00
3 years ago

Oo nga hahahha kailan kaya,girlfriend na mamahalin ka nang totoo at aalagaan ka hanggang sa pagtananda.

$ 0.00
3 years ago

Publish ka ng article mo na ganyan sir at iboost mo hahahaha

$ 0.00
3 years ago

Baka sa susunod. Subukan kong gawin para makatulong rin sakin hahaha

$ 0.00
3 years ago

Gawin mo sir baka jan ka maka attract ng marami hahaha

$ 0.00
3 years ago