Utak ni Honasan 😂

0 12
Avatar for Valeriana
4 years ago

UTAK NI SEC. HONASAN, NAAPEKTUHAN NG MABAGAL NA INTERNET SPEED NG PILIPINAS;
'3-7 Mbps internet speed sa bansa, hindi na masama'.

Ayon sa pahayag ng Department of Information and Communications Technology (DICT) Secretary Gregorio Honasan II, hindi raw masama ang napakabagal na parang pagong na internet ng Pilipinas. Sinabi rin niya na naaapektuhan ang kanyang utak dahil dito.

“No excuses po, we take full responsibility [sa isyu ng internet speed]. Sa ibang bansa pumapalo sila ng 55 Mbps, tayo naglalaro between 3 and 7 (Mbps), pero hindi na po ito masama,” sabi niya.

Sa kaniyang palagay, hindi raw tayo nagpeperform ng masama sa larangan ng internet connection, sa halip ay nag-improve pa raw ito.

“Without going into figures, we are not doing too badly, we have improved a lot."

Inabisuhan na si DICT Sec. Honasan na magpakonsulta na sa doktor, o di kayay mag-upgrade ng internet connection para mas bumilis ang internet speed sa kanyang utak.

1
$ 0.00
Avatar for Valeriana
4 years ago

Comments