Ang lungkot naman ng gabi. 🥺 Kakauwi ko lang tapos pagpasok ko sa gate wala na ung biglang bubungad sayo na aso nyo. Aamuyin ka pa kung ibang tao ka or hindi. Nakakalungkot kasi wala kaming nagawa for him kase di talaga namin kaya ung pang vet sakanya lalo na ung magiging gamutan niya. Tinry namin sa totoo lang pero hindi talaga eh. Kung meron lang na vet clinic na libre dito sa lugar namin kahit pila eh pipilitin namin talaga pero ayun nga, wala talaga. Lahat ng tao ngayun sa bahay eh sobrang tamlay. Di mo makausap ng matino dahil mahal na mahal talaga namin ung aso namin na yon. 🥺🤧 Para sa mga nagtatanong, 10 years na po samin si Hachi.
Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.
7 comments
Ganyan rin ate kami noon nung nawala aso namin noon, ang tamlay nung bahay😕😕😕😕 Kaya nung binigyan kami ng bago ulit, di na namin siya pinabayaan
Haysss ganun talga pag mga pets eh. Di naman habang buhay kasama natin sila kaya pag nabigyan tayo ng blessing na ganyan, alagaan talaga dapat.
Dahil na rin cguru sa age niya senior dog na kasi..pero ang sad parin pag mawala ang mahal mo sa buhay..dami ko na ring asong dumaan nakaka sad talag pag namatay at wala kang pera pang gamot sa kanila...😥😥
Oo parang ganun na nga din age niya isa parang ilang taon na din sa tao
nkakasad talaga pag matagal mo ng kasama at super lambing, atlest di na sia mag hhirap pa. for sure nakabantay pa rin sia sa inyo
Oh no. Rest ka na hachi, rest ka na dn sis.
Alaga kyo Ng bago