Liham ng Binibini

0 12
Avatar for Uno_5
Written by
3 years ago

Patuloy kitang isusulat sa aklat ng buhay

Kandila ma'y maupos sa nagtatagong buwan

Pagsarhan man ng talukap aking mga mata

Ihahanda ko ang kapeng barako sa mesa

Tumamatakbo man sa bilog na paraiso

Di man matiwalig sa mahigpit na gapos ng lubid

Ngunit ika'y mananatiling buhay sa kwento

Ako'y hihinga para sa iyo

Para sa aking minamahal na ginoo

0
$ 0.00

Comments