Gusto Kita pero Hindi pa talaga

0 13
Avatar for Unheard_thoughts
2 years ago
Topics: Life, Story, Writing, Blog, Experiences, ...

BLOG #2


Hindi pa talaga

 

 

Gusto kita.

 

Hindi dahil sa atraksyon kundi dahil sa natatangi mong katangian. Hindi ka naman naiiba subalit sa iyo ko lang nakita at narinig yoong pitik “mukhang siya na”.

Nahanap ko sayo ang mga pirasong sa tingin ko ay sasakto sa mga puwang.

Natatangi.

Ikaw ay aking itinatangi.

Ngunit sa mga kasalukuyang pangyayari, hindi pa talaga. Sa kabila nang aking pagkagusto at malay ko, ikaw rin subalit huwag muna.

Nais ko munang patulugin o baka tuluyang alisin, maglaon. Nais kong bigyang daan ang tamang panahon.

Ayokong mangialam sa plano ng May Likha. Baka kasi hindi ikaw, hindi ako. Nadala lang sa bugso ng palaisipang “mukhang siya na”.

Mahirap masaktan, lalo na at hindi naman nararapat.

Gusto kita at maaaring ikaw na nga siya. Pero, ayokong pakipagsapalaran sa panahon.

Mali, hindi naaayon.

Puhon.

Sa oras lamang Niya malalaman. Kung totoo ang inakala or sadyang hatid ng kapalaran.

Malay natin, tayo

Hindi mo pa masasabi kung ako.

Walang kasiguraduhan kung ikaw.

 

Hindi pa talaga.


1
$ 0.00

Comments