Magandang Gabi po sa lahat mga kaibigan at mg ka miyembro Ng read.cash,naririto na Naman po ako para maglahad Ng isang kwento na nagaganap sa ating kapaligiran.
Likas sa atin Ang mapag Mahal sa mga alaga nating mga hayop lalo na yung tinatawag nating domisticated animal at Isa dyAn ay Ang mga pusa sa bawat tahanan na ating makikita ay di mawawala Ng Alagang pusa.
Isa sa mga katangian Ng mga alaga nating pusa ay Ang likas nitong pagiging napaka lambing parang lagi nyang ipinararamdam sa atin Kung gaano Nila Tayo kamahal Kay'a lagi silang nasa tabi natin at pilit nilang ipinadadama na Tayo ay mahalaga rin sa kanila.
May mga klase Ng kulay Ang mga puspins o Pusang Pinoy ito ay Ang orange,gray at white ilan sa mga puspins ay makikita natin na pagala gala sa kalsada at Kung saang Saan pang lugar dahil sila ay inabanduna na Ng kanilang mga amo at Isa sa mga dahilan Ng pag abanduna sa kanila ay dahil di na sila kayang pakainin.
Ayon sa PAWS o Philippine Animal Welfare Society halos 12 milyong puspins at aspins Ang pagala gala dahil sa abandonado nilang kalagyan at karamihan sa kanila ay makikita sa labas Ng mga restaurant at basurahan at doon sila nag hahanap Ng makakain para mabuhay at maka survive sa araw araw na takbo ng kanilang pamumuhay.
Dapat po nating tandaan Ang pag aalaga Ng hayop, lalo na sa mga pusa pag aralan po nating mabuti Kung paano sila alagaan subukan po nating kumunsulta sa mga experto o veterenaryo upang.mapangalagaan natin silang
at hindi Nila maranasan Ang mapag malupitan at mapakain sila Ng wasto.
Sa ngayon ay may umiiral Ng batas.para sa mga hayop,bawal Ng saktan.at abusuhin o pag mamalupit may karampatang kaparusahang makulong o mabilanggo Ang sino mang mananakit o mang aabuso sa mga alaga natng hayop..