"Hindi hadlang Ang kapansan"

0 16
Avatar for Touchy
Written by
3 years ago

Kamusta po mga kababayan ko narito po nanaman ako para ilahad ang.kwento Ng isang masipag at napakabuting tao na halos araw araw ay lagi kong nakikita sa tuwing ako ay babyahe pa uwe galing sa aking pinagtatrabahuan.

Si kuya kung sya ay aming tawagin, hayaan nyong ipakilala ko sya sa inyo, si kuya ay may kapansanan baliko Ang kanyang Kanang braso Ang kanyang kaliwang binti ay baliko rin at Ang Isa sa kanyang mga paa ay nakaharap sa likod.

Sobrang hirap tignan Ang kanyang kalagyan pero nagagawa pa rin nyang kumilos Ng normal kahit sya ay nahirapan pero dahil nakasanayan na nya Ang ganung kilos araw araw ay di na nya alintana Ang hirap at pagod.

Si kuya po ay isang konduktor sa isang pampublikong sasakyan na tinatawag na modern jeep, kahit hirap po syang maglakad dahil sa kanyang kapansanan nagagawa pa rin nyang maging positibo sa buhay sa awa Ng Panginoon nagagawa nyang gampanang mabuti Ang kanyang trabaho.

Hindi naging hadlang Ang kanyang kapansanan upang mabuhay Ng marangal Ang kumita Ng pera para pangtustos sa pangangailangan Ng pamilya na galing sa mabuting paraan sobrang hirap para sa kanya Ang ganung klase Ng hanap buhay pero buong puso nya nagagampanan Ang kanyang tunkulin.

Bakit may mga taong kumpleto Ang pangangatawan pero ayaw namang kumilos para maghanap buhay at naghihintay na lamang sa biyayang darating bakit Kung sino pa Ang may kapansanan ay sya pang nagpupursige para sa kinabukasan Ng pamilya.

Marami Ang ganitong klase Ng kwento sa BUHAY,maraming may kapansanan na.pilit na pina uunlad Ang kanilang sarili sa paraang kaya Nila at hindi nang hihingi o nanlilimos kung Saan saan Isa kang tunay at maituturing na bayani..

Saludo po kami sa lahat Ng mga taong may kapansanan pero marunong lumaban sa hamon Ng buhay at hindi hadlang Ang kanilang kakulangan o kapansanan.

Photo credited to: Unsplash

1
$ 0.00
Avatar for Touchy
Written by
3 years ago

Comments