"Dilim at liwanag Ng karanasan"

0 16
Avatar for Touchy
Written by
2 years ago

Good evening to all of you guys, ito pong istoryang ilalahad ko sa inyo ay isang karanasan na di malilimutan Ng nakaraan at maaring kapupulutan Ng aral at inspirasyon lalo na sa mga kababaihan na nais lamang ay magmahal at mahalin.

Sya si Nina isang tipikal na dalaga,morena, mabait at mapagmahal sa magulang at mga kapatid at mga kaibigan, isang araw ay may nakilala si Nina na isang lalaki na tatawagin natin sa pangalang Dino, nakipag kaibigan sa kanya Ang binata at dahil mabait at maginoo Ang lalaki ay madaling nahulog Ang kalooban Ng dalaga,at di naglaon ay nagkaroon Ng relasyon Ng dalawa madaling napaibig Ng binata Ang dalaga dahil nagpakita ito Ng kabutihan.

Naging masaya Naman Ang relasyon Ng dalawa magkasundong magkasundo Ang dalawa dahil naging matapat si Dino sa dalaga walang araw na di napapasaya ni Dino si Nina hanggang sa inalok nang binata Ang dalaga na sila ay magsama na sa iisang bubong at di Naman nagdalawang isip Ang dalaga at agad Naman itong pumayag na sila ay mag live in.

Sa kanilang pagsasama ay doon napatunayan Ng dalaga Ang tunay na ugali Ng binata unti unting lumalabas na ang tunay na Dino mainitin Ang ulo,palasigaw at nanakit Ang masama pa doon ay Ang pambababae nito Ang lahat Ng ito ay tiniis ni Nina dahil sa Mahal nya ito, nang minsan ay nahuli nya ito na lumabas Ng motel na may kasamang ibang babae halos madurog Ang puso ni Nina sa sobrang sakit na nararamdanan nya agad nyang sinugod Ang dalawa at kinompronta.

Sampal at tadyak Ang inabot ng dalaga at saka sinabihan sya na umuwi na dahil masyado na syang napahiya dahil sa iskandalong nilikha nito at dinuraan pa sya at saka tumalikod kasama Ng kanyang kalaguyo na nakangisi pa na waring nang aasar pa walang nagawa Ang dalaga kundi umiyak na lamang naglakad lakad nag isip hanggang sa may nabuo na sa kanyang isipan isang pag papasya masakit man pero ito Ang tamang gawin na noon pa nya dapat ginawa Ang hiwalayan si Dino.

Nang umuwe Ng bahay si Nina agad itong nag empake Ng gamit handa na sya sa pag alis sya namang pagating ni Dino "saan ka pupunta" "Ayoko na maghiwalay na Tayo" agad namang nakiusap Ang lalaki na wag syang iwanan at nangangako ito na magbabago na kasabay Ng pag luhod nito ngunit di natinag Ang dalaga at saka tuluyan Ng nilisan Ang tahanang naging saksi sa matamis nilang pagmamahalan sakit Ng kalooban na dulot nito.

Sa pag alis ni Nina doon lamang nya nalaman Kung gaano kalaki Ang kanyang sakripisyo buong buhay nya kay Dino lang umikot nalayo sya sa pamilya at mga kaibigan ngayon ay natuto na sya kaya nyang bumangon mag Isa sa dilim at makawala, Kaya nyang paliwanagin Ang kanyang buhay Ng hindi kasama Ang lalaking minsan ay naging parte Ng kanyang buhay at kahit pilit nakikiusap si Dino na bumalik sa kanya ay di nito pinakikinggan dahil Ang katwiran nya,malayana na ako sa dilim hero na ako sa liwanag.

2
$ 0.05
$ 0.05 from @McJulez
Avatar for Touchy
Written by
2 years ago

Comments