"AngPao"

0 20
Avatar for Touchy
Written by
3 years ago

Hello there my fellow readcash writer, heto na naman po ako para mag bahagi Ng isang munting kaalaman pasok na po Tayo sa ber month meaning nalalapit na Ang pinakahihintay Ng lahat Ang buwan ng disyembre o kapaskuhan marami na Ang nag aabang lalo na ang mga empleyado,trabahador at syempre yung mga bata na nag aabang Ng aginaldo sa kanilang ninong at ninang.

Sa tuwing dumarating Ang holiday season nauuso na Naman Ang AngPao o red envelope na namana na natin sa mga chinese Ang red envelope ay may mga disenyo na chinese character ito po nilagyan ng pera na ibinibigay natin sa mga may birthday sa binyag o kasal para ma suwerte Ang kulay Pula ay pampa good luck ayon sa paniniwala Ng mga chinese, ngunit ating pakakatandaan na Ang pagtanggap at pagbibigay Ng AngPao ay may dapat sundin.

1 ) dapat Ang pera ay fresh o malutong pa at hindi gusot gusot dahil bad lock daw yun.

2) hindi dapat barya Ang ilalagay mo sa loob Ng AngPao.

3) huwag maglalagay Ng halaga 4 dahil bad sign daw yun.

4) huwag bubuksan Ang red envelope sa harap Ng nagbigay sa iyo.

5) kapag tinanggap mo ang red envelope dapat ay dalawang kamay.

6) at higit sa lahat matutung mag pasalamat sa nagbigay sa iyo.

Ang AngPao , red envelope o red pocket ay Wala namang nakakapagsabi kung saan talaga ito nagmula Ang alam lang natin ito ay isang chinese tradition , ginagawa Nila Ang pamimigay Ng red pocket sa mga mahahalagang okasyon kagaya Ng kapag may ikinakasal, holiday season , family gathering at iba pang mahahalagang okasyon naniniwala sila na Ang red pocket ay nakakapag taboy Ng bad spirit o kamalasan ,

At Isa pa sa pinaniniwalaan Nila na Kung maglalagay ka Ng pera sa red pocket kailangan may mga numero na ngsisimula sa 8 dahil ito daw Ang pinaka maswerteng number para sa kanila ipinamamahagi Nila ito kapag dumadating Ang tinatawag nilang Lunar Year .

May mga ilang bansa na rin na gumagamit Ng ganitong tradisyon namamahagi na rin sila Ng AngPao , red envelope o red pocket sa mga mahahalagang okasyon kagaya nating mga Pilipino at chinese Ang Ilan sa mga bansang ito ay Ang mga sumununod gaya Ng bansang.

Japan :Ang tawag Nila sa red envelope o red pocket ay "otoshidama" bininigay nila ito tuwing sasapit Ang bagong taon.

Vietnam:Ang tawag Nila sa red pocket ay phong bao.

South korea: Ang tawag Naman Nila sa red pocket ay saebaeton.

At Ilan pa sa mga bansang gumagamit Ng red pocket ay ang Singapore , Mayanmar (Burma) Malaysia, Thailand at marami pang iba na adopt na Ang ganitong kultura Ng mga chino dahil pinaniniwalaan na Nila na may hatid itong kapayapaan, kasaganahan at higit sa lahat ay ka swertehan.

Wala namang masama Kung paminsan minsan ay maniniwala ka sa mga kasabihan o mga pampaswete Ang importante ay Wala kang masamang ginagawa sa iyong kapwa,marami pong salamat sa inyong lahat Sana po ay mabasa nyo itong aking munting artikulo.

Sponsors of Touchy
empty
empty
empty

1
$ 0.00
Avatar for Touchy
Written by
3 years ago

Comments