Ang Crypto at Pandemya

0 31
Avatar for Touchy
Written by
3 years ago

2020 yan Ang pinaka mahirap na karanasan sa buhay ko, March 16,2020 ng mag umpisang mabago Ang takbo ng buhay ko yang taon na yan nang umpisang idiklara Ang lockdown sa buong metro Manila walang mga sasakyan na makikita sa lansangan sarado lahat Ng pabrika mga tindahan at mga malls tanging mga groceries store at ilang essential's lang Ang tanging bukas,Hindi ko malaman Ang gagawin ko dahil hindi ako makapag hanap buhay,Ang sabi ko sa sarili ko paano na saan kami kukuha Ng panggastos pambili Ng pagkain paano na Ang kabuhayan namin paano ko bubuhayin Ang pamilya ko na umaasa sa akin na Kung Hindi ako mag hahanap buhay hindi kami kakain Ng talong beses isang araw kailangan mag isip Ng bagong pagkakakitaan.

Isang araw may bumisita sa bahay namin na kamag anak upang kami ay kumustahin at nag abot Ng kaunting tulong na pinansyal alam nya Kung ano Ang aming pinagdadaanan sa buhay ngayon halos lahat Ng ating mga kababayan ay nasa pareparehong sitwasyon, hanggang sa nabanggit nya sa akin Ang tungkol sa crypto, "pinsan subukan mong sumali sa crypto" dahil Wala Naman akong alam sa crypto, Ang sabi ko ayoko Wala akong alam, pero hindi sya tumigil sa pag kumbinsi sa akin,hanggang sa sinubukan ko rin at tinulungan ako Ng pinsan ko Kung paano sumali ,hanggang sa until unti ko na rin matutunan Ang pasikot sikot sa larangan Ng crypto.

Walang mapaglagyan Ang kasiyahan dito sa puso ko Ng unang beses akong kumita,napaka laking tulong ito para sa kabuhayan namin, bagamat may pandemya hindi ito hadlang para tumigil Ang ikot Ng mundo mo basta magtiwala ka sa sarili mong kakayanan at samahan mo pa Ng pananampalataya sa Panginoon.

1
$ 0.05
$ 0.05 from @mariteen

Comments