Ang BUHAY daw ay parang Alon sa dagat Kung minsan payapa Kung minsan ay maalaon at Kung minsan hahampasin ka lang sa iyong mga binti hanggang sa naglaho.
Ganyan Ang BUHAY natin may darating na suliranin at pagsubok sa atin ngunit Kung pagtutuunan mo Ng pansin at haharapin ay makakaya nating harapin Ng buong ningning.
Kagaya Ng unos sa dagat kailangan matutunan mong lumangoy upang masabayan mo ang Alon at daluyong at hampas Ng Alon sa dagat.
Sa BUHAY natin kailangan tayong matuto at marunong sumunod sa daloy ng BUHAY upang bawat problema at pag subok sa atin ay Kay'a nating harapin sa bawat araw na darating sa atin.
Ang Alon ay may dalang pang akit Kung minsan matutukso tayong lapitan at mag pahampas ngunit di natin batid na ito ay may hatid Na panganib sa atin.
Ano pat Ang BUHAY natin ay mahahalintulad sa Alon ngunit dahil sa ating tapang na harapin at pananalig sa poong lumikha bawat problema bawat pagsubok bawat saya na dumarating sa atin lahat Ng iyan ay malalampasan natin bastat huwag lang tayong makakalimot magdasal at magpasalamat sa Diyos.