0
10
Isang pangarap ang natupad pagdating nya. Biyayang bigay ng maykapal na bumago sa aming buhay. Di namin sya hiniling pero kisang binigay. Sadyang napakapalad namin spagakat sa dami ng humihiling ay isa kami sa nabiyayaan.
Bagamat hindi man kami handa sa pagdating nya, sayang di mapapantayan naman ang dulot nya. Walang pagaalinlang pagtangap sa kanya at walang hangang pagmamahal at pag aruga ang bigay namin sa kanya.
Sa paglipas ng panahon, unti unti naming naiintindihan ang kahulugan ng buhay. Sapagkat s akanya na umikot ang aming buhay. Madami mang nagbago at problemay dumating, kamiy di susuko.Para sa kanya lahay ay gagawin sapagkat sya ang buhay namin.