Why do I feel unsecure to him and in our relationship?
IT'S BECAUSE OF HIS PAST.
Akala ko dati ako yung gusto nya. Ako yung liligawan nya. Yes I turned him down multiple times, pero 'yon lang din kasi 'yong way ko of protecting myself. Dahil sa twing nagsasabi sya na gusto nya ako, kasunod nun 'yong biro na "Joke lang. Patola ka. Alam kong gustong-gusto mo 'ko.", and sa way na yan nasasagi yung pride ko, dahil bilang NBSB I believed in a fairytale love story. Naniniwala ako na hindi sa ganoong paraan ako kauna-unahang tatanggap ng manliligaw. Ang gusto magsasabi sa parents ko muna bago magpaalam sakin, gusto ko maeffort, gusto ko vocal sya sa feelings nya sakin kahit wala naman syang natatanggap na anything from me YET, ayaw ko sana ng nagyoyosi, ayaw ko ng SINUNGALING, ayaw ko sa mayabang. Sa ganoong paraan ko gustong maligawan. That's why I turned him down, dahil alam kong hindi sya seryoso. Tama nga ako, hindi sya seryo kasi may niligawan syang iba after nyang umamin sakin ng "Joke" nyang feeling. Sa niligawan nya na 'yon na si Elin, ginawa nya lahat ng gusto kong gawin nya sakin para masagot ko sya once na pumayag na akong manligaw sya sakin. Nagbago pa sya ng religion for her, hindi na daw sya nagyoyosi, di na rin sya umiinom, nagsisimba sya every sunday, nagbabible study pa sya. Nagbago sya ng 360 degrees para kay Elin. Eventually naging sila at kita mo pa rin yung pagbabago sa kanya. Naghiwalay din sila, pero ginawa nya lahat para bumalik si Elin sa kanya. Sinundan pa nya sa Saudi, para lang makipagbalikan. Ang sakit ma-witness nito habang minamahal ko sya. Sakin nya kinukwento lahat kaya alam ko. Alam ko kung pano nya minahal ng sobra si Elin. Habang nakikinig ako sa mga kwento nya, ang sakit. Sobrang sakit ng nararamdaman ko. Until at this moment hindi ko alam na ganon pala kalalim yung naiwan nitong sugat na hanggang ngayon di ko pa rin nahihilom. I am writing this kasi gusto ko nang makalimot. Pabalik balik ako eh, ilang beses na namin tong naging issue ilang beses nya na rin sinabing nakaraan na yun. Wala na. Kaya from this moment, I'll forget everything about Elin and Edward. I once a friend na tumulong para maayos ang relasyon ng kaibigan nya sa iba, habang minamahal ko sya. Umamin nga ako eh, para wala na. Para matapos na 'yong sakit. Pero, nagsorry lang sya. Akala ko tapos na doon, tuloy na 'yong pagmo-move on ko. Pero ayan na naman sya, nanliligaw ulit. Di naging successful yung pakikipagbalikan nya sa ex nya. On the day na nagpadala sya ng bulaklak sakin, para manligaw, nagpadala din sya kay Elin, ibig sabihin daw nun tapos na sila. Feeling ko convenience ako, kasi alam na nya na gusto ko sya, kaya di ko sya inallow ulit. Ayaw ko na mainvolve sa kanya. Months after tumawag sya, pinakausap nya yung Nanay nya. Nagmelt yung heart ko kasi Mother's noon eh. So that day, sabi ko sa kanya maging kami na, para rin mawala na yung what ifs ko. Para matapos na, 8 months nang kami pero issue ko pa rin to. Actually issue ko lang to eh, nakamove on na kasi sya ako nalang ang hindi. Gusto ko ng mawala 'yong sakit ng letcheng nakaraan nya na 'to, kasi hindi ko sya magawang mahalin ng buo, ng may tiwala na hindi nya ako sasaktan ulit. Kasi ayaw ko na ng ganoon kasakit, mahirap bumangon. Ang sakit eh. Gusto ko na itong tapusin. Gusto ko na syang mahalin ng buo, ng may tiwala, ng may pag-galang at respeto, ng SELFLESS. Gusto ko na silang patawarin si Elin na wala namang kinalaman dito, dahil minahal lang naman sya si Edward, at si Edward na sa tingin ko bumabawi naman.
Gusto ko ng patawarin si Edward ng buong buo. Kasi unang-una tinanggap ko sya. Pinapasok ko sya sa buhay ko. Asakin ang controll. Nasaktan nya ako noon, OO. Pero binabawi naman nya.
And lastly, gusto kong patawarin yung sarili ko, kasi inallow ko na masaktan ka ng ganoon. Love, forgive yourself, mabuting kang tao para ilugmok mo yung sarili mo, at akuin lahat ng sakit for the long time. Ang tagal mong sinasaktan 'yong sarili mo. Tama na. Kalimutan mo na lahat. Magsimula ka ulit. Wag mong hayaang masayang 'yong chance na meron kayo. Mabuti kang tao, wag mong gawing masama 'yong sarili mo. Magmahal ka lang, ng walang ine-expect. Magmahal ka lang walang ibang dahilan kundi ang pagmamahal lang. Hayaan mong mahalin ka nila ulit, pero bago 'yon mahalin mo muna 'yong sarili. Ang dami mong hirap, celebrate yourself! Magpatawad ka, hindi dahil deserve nila, kundi dahil deserve mo na magpatawad at makapagmove on. Move forward, Love. Tulungan mo yung sarili mo, kasi walang ibang gagawa nyan para sayo. Ikaw lang. Magmahal ka kasi nagmamahal ka at deserve mo yan. Gawin mo yan para sarili mo, bago sa iba.