Naglakbay ang kanyang tingin sa grandstand, nangangarap na may bubong din sa kanyang ulunan. Pamilyar sa kanya ang dalawang opisyal na nag-uusap doon.
Nasa gawing kanan si Lt. Col. Adolf Herrera, ang kanilang training director. He was a picture of a perfect official; mula sa army cut nitong buhok hanggang sa nangingintab nitong mga sapatos. He wore a permanent scowl on his face. May diperensiya marahil ang facial muscles nito kaya nahihirapan itong ngumiti.
Isang bloke ng bigote ang matatagpuan sa ilalim ng malaking mga butas ng ilong ni Lt. Col. Herrera. Naging dahilan iyon upang bansagan itong" Hitler, "bukod pa sa kapangalan nga nito ang pinuno ng mga Nazi. Kung manlulupig ang mga Jews si AdolfHitler, manlulupig naman ang mga trainess si Lt. Col. Adolf Herrera.
Inaasahan na niyang magiging madugo at matinik ang mga susunod niyang araw sa kampo nito.
Katabi ni Lt. Col. Herrera si Brig. Gen. Miguel Corpus, ang pinakabatang heneral ng Armed forces of the Philippines. Isa si Miguel sa mga senior officers ng Southern command. Kaibigan nito si Lt. Col. Herrera, palibhasa ay parehong berdugo ang dalawa. Personal niya noong nakilala si Miguel. Kaibigan nito si Brad Mayores, ang sundalo ring asawa ng kaibigan niyang si Regina. Sina Miguel at Brad ay kabilang sa tanyag na "Last Breed of Gentlemen" ng Philippine Military Academy, kung saan ay nagtapos bilang summa cul laude si Miguel. Ang mga ito ang cream of the crop ng batch ng mga ito.
Wala namang gaanong ipinagbago si Miguel. Dahil sa height na six feet ang two inches, marami talagang taong kailangang tumingala rito. His eyes were deep and penetrating. It was disturbing in a way that was hard to explain. His nose was a proud as hus chin and his lips were full and luscious. How could a ruthless man look as inviting as heaven.
Tila ba nakatunog, tumingin ito sa gawi niya. Their gazes locked. Hindi niya magawang umiwas ng tingin. Para siyang gamugamong nakakita ng naglalagablab na apoy.
"Mandap, give me twenty-five push-ups!"
Nahimasmasan siya nang marinig na tinawag ang kanyang apelyido.
"What, Sir?"
"Make that fifty push-ups. You're not paying attention."
Pumunta siya sa harapan para sumunod.
Wala na ang mga ka-platoon niya ay nagpu-push-up pa rin siya. Hindi niya akalaing sa ganoong paraan niya siaimulan ang kanyang Capability Enhancement Training.
Nag - iisa sa kanyang silid si Joan. Hindi kasi siya binigyan ng bunk mate. Lalo tuloy siyang nalungkot. Kung sana ay nahikayat niya si Consuelo noong mag-submit siya ng requirements. Dangan naman kasi ay napakadaling makontento ng kanyang kaibigan.
Sapat na kay Consuelo na naka-graduate ito ng PMA. Ni hindi man lamang nito tinangkang maiangat ang ranking nito sa Order of Merit. Wala rin itong reklamo nang bigyan ito ng desk work sa Camp Aguinaldo. Iyon na ang ideya nito ng paninilbihan sa bansa.
Di hamak na man malaki roon ang expectation niya sa institusyong kanyang kinabibilangan. Wala siyang planong ikulong ang sarili sa isang opisina. Hindi ikatutuwa ng kanyang amang makita siyang nagpa-file ang nagso-sort.
Gumawa siya ng paraan upang makakuha ng scholarship sa isang flying school sa Florida, USA. Nang magbalik siya sa serbisyo ay ginawa siyang piloto sa mga medical missions. Ngunit hindi parin iyon naging sapat para sa kanya. She wanted to be an actual combat.
Una niyang inilabas mula sa maliit niyang Maleta ang ipina-laminate niyang litrato ng kanyang ama... Si Sgt. Jose Mandap.
Mababa man ang ranggo ng kanyang ama, ipinagkakapuri pa rin nito ang pagiging isang sundalo. In the picture, her father was in full battle regalia complete with an M14 slung on his shoulder. Naka-pose ito sa harapan ng isang tangke.
Na-ambush sa isang engkuwemtro sa Mindanao ang kanyang ama. Pangarap nitong mamatay na isang bayani, at nakamtan naman nito ang nais.
Isinabit niya ang litrato nito sa dingding.
"Itay, huwag kayong mag-alala. Ipinapangako kong darating ang araw, kikilalanin ng buong Hukbong Sandatahan ng Pilipinas ang apelyidong Mandap," walang sawa niyang paglilitanya rito. Ilang libong beses na niyang inuulit ang pangakong iyon dito. Nanghihinayang siya dahil hindi na nito naabutan ang pagpasok niya sa Philippine Military Academy. Laking tuwa siguro nito kung ito ang nagsabit ng mga tinamo niyang medalya nang siya ay nagtapos. Tiyak na ipagmamalaki nito sa mga kaibigan nito na ang kaisa-isa nitong anak ay miyembro ng Philippine Air Force. Katatapos lamang niya ng high school nang mamatay ang kanyang ama. Hindi man nitong lantarang inamin, batid niyang lalaking anak ang hinangad nito. Pulos kabiguan ang idinulot sa kanyang ama ng pagdating niya sa mundo. Bukod sa babae siya, namatay pa sa panganganak ang kanyang ina. Hindi tuloy ito naging malapit sa kanya. He had always thought of her as a failure.
Nanikip ang kanyang dibdib at namasa ng kanyang mga mata. Marahas niyang kinagat ang kanyang ibabang labi upang pigilan ang pagtulo ng luha.
She was no spineless sissy. She was as tough as the steel blade of her sword. Hindi kabiguang ipinanganak siya na isang babae. Patutunayan niya iyon sa kanyang ama.
"Nabulagan ka lamang, Itay. I'm not a failure."
Pinutol ang kanyang pagsesentimyento ng sunud-sunod na katok sa pinto. Ang commanding officer kanina ang nasa kabilang panig ng pintuan.
"Mandap, pinatatawag ka sa opisina ng direktor," anito.
Napalunok na lamang siya. Ano na naman bang kapalpakan ang nagawa niya?
Walang inabutang tao si Joan nang pumasok siya sa opisina ni Lt. Col. Herrera. Sinunggaban niya ang pagkakataon upang makapag-usyuso roon. There was not much to see. Bukod sa isang ordinaryong mesa at ilang upuan ay wala nang iba pang mga muwebles na makikita. Charcoal gray ang predominanteng kulay sa buong silid. It created an aura of suffocating stiffness.
Walang ornamento sa mga dingding maliban sa ego wall saan nakasabit ang mga plakeng iginawad kay Lt. Col. Herrera sa paninilbihan nito sa Philippine Army.
Isang nakakuwadrong litrato ang naligaw sa gitna ng mga plake. Masayang nakangiti roon si Lt. Col. Herrera.
Himala, marunong din naman palang ngumiti ang mga berdugo, "naisip niya.
Marami itong mga opisyal na kasama sa litrato. Hinanap niya si Miguel sa mga ito. Isang mahabang daliri ang bigla na lamang humarang sa kanyang line of vision.
" I'm right there, together with Gabriel, Brad and Daryl."
Nilunok niya ang imahinaryong muog sa kanyang lalamunan bago niya hinarap si Miguel. Sinaluduhan niya ito.
He waved a hand. "Quit the formalities, Joan. I'm in no mood for it. Besides, you're not directly under my command. Let's sit down. Kanina pa kitang gustong makausap."
Saglit siyang napakunot. Ang buong akala niya aysi Lt. Col. Herrera ang mag patawag sa kanya. Miguel had nothing to do with her. Nagpakilala na sila noon ngunit hindi naman sila napalapit sa isa't isa. They both had strong personalities that repelled each other.
Minabuti na rin niyang umupo. Sa height niyang five feet-six inches, maituturing na siyang matangkad kung ang pagbabasehan ay ang average height ng mga Pilipina. Ngunit tiyak na mangangawit pa rin siya sa kakatungala kay Miguel.
"Hindi kita nakita noong kasal nina Daryl at Dominique," anito. Si Dominique ay anak ni dating President Ibarra, na ikinasal sa kaibigan bi Miguel na si Darryl Aquino.
Muntik na siyang mapamaang. Mahirap paniwalaaang nag-aksaya ito ng panahon upang hanapin siya gayong hindi naman importante ang kanyang presensiya sa okasyong iyon.
"Nasa Florida kasi ako noong ikasal sila. Nagpasabi ako kay Regina na hindi ako makakadalo."
"Pilot training, right?" tanong nito.
Tumango siya.
"You've come a long way since we last met."
"I haven't done much yet," nagkibit-balikat niyang sagot nito.
"You don't have to be humble especially when credit is really due." Nginitian siya nito, isang killer smile.
It made her heart race na para bang nakipagkarera siya sa mga kabayo sa San Lazaro. Nanlambot ang kanyang mga gulugod. Maging ang utak niya ay bumagal ang paggana.
Nagsipagtunungan lahat ng alarm bells niya sa katawan.Hindi dapat I-tolerate ng isang tulad niya ang ganoong klaseng atraksiyon. Ipinaalala niya sa sariling isang one-star general si Miguel. He was far beyond her reach.
Joan gathered her remaining wits. "I hate to sound offensive but I'm not quite fond of idle talks. It's a stupid waste of time. Ano ba talaga ang dahilan at pinapunta mo ako rito?"
Binura niyon ang ngiti sa mga labi ni Miguel. A part of her wished that she flirt with him.
"Okay, kung iyon ang gusto mo," nakatiim-bagang nitong sabi.
" I wanted to give you an unsolicited advice na sa palagay ko naman ay kailangan mo. Kung ayaw mo talagang mag-aksaya nang oras, mabuti pa'y mag quit kana sa training. Hindi ka nararapat dito."
She shoved all the attraction away and replaced it with potent wrath. Ano ba ang gustong palabasin ng lalaking ito? Ilang minuto lamang ang nakalipas nang purihin siya nito. Why was he asking her to quit now?
" I beg to disagree, Sir. May mga taong nagrekomenda sa akin para sa training na ito,"sikmat niya rito. Pinaghirapan din naman niyang kumbinsihin ang mga taong iyon.
" They don't know what's good for you."
"Sinisiraan mo ba ang mga superiors ko?" galit na turan niya, hindi na pinansin ang concern na nakita siya sa mga mata nito.
Bahagya itong napangiwi dahil tumaas nang isang timbre ang kanyang tinig. "No. Nagpapahayag lamang ako ng sarili kong opinion," she snapped. Patayo na siya upang lisanin ang silid nang haklitin nito ang kanyang braso...
MAGPAPATULOY.....