Lockdown
Grabe . Noong nag wowork ako humihiling ng mas matagal na day-off . Pero ngayon 3buwan ng walang trabaho dahil sa pandemic. Sobrang nakakainip sa bahay . Iba nga naman kasi talaga pag nag daday off ka na pedeng mamasyal, mag out of town, kumain kung san mo gusto . Gusto mo masulit ang ilang araw na day off . Ngayon nakapag pahinga ka nga ng matagal pero d naman makagala, limit din ang mga pagkain na pedeng mabilhan, ni hindi man lang maipasyal ang mga bata sa mall o kung saan man nila gusto. Ni hindi makapanood ng sine. nag b-day ang anak ko nag rerequest ng swimming. Aha sabi ko kung pede lang bakit hindi . kAso hindi pede dahil lockdown. yung isa naman sa birthday daw niya paghanda ko sya. Sabi ko d ko maipapangako dahil d ko alam kung may work nako nun . Nkakalungkot na hindi man lang maibigay sa mga anak ang kanilang hinihiling . Nakakaintindi naman sila pero bilang nanay nalulungkot ako dahil alam ko na makakapag pasaya yun sa kanila . Buti nga nakakasurvive pa kami . Salamat sa Diyos, sa mga ate ko binibigyan ako. At sa mabait at masipag kong asawa na pilit bumabiyahe para kahit paano eh may pangkain kami . Ang daming bayarin pero walang pumapasok na income . Puro outcome nangyayari . Nakakalungkot, minsan gusto mo na sumuko, ako minsan ano-ano naiisip ako. Na sstress ako sa totoo lang . Kaya kung ano-ano na ginagawa kong pag kakaabalahan para lang mawala sa isip ang mga gastusin. Pero sa kabila ng lahat ng yan . Nagpapaslamat ako dahil malulusog at malakas ang katawan ng aming buong pamilya . Nkakain pa rin kami ng sapat at kahit papano nakakabili pa ng mga kailangan nmin sa araw-araw. Ang hirap isipin yung iba nawawalan ng pag-asa dahil sa mga nangyari . Iniisip nila wala na silang magagawa . Iniisip nila hindi nila malalampasan ang pagsubok na to. At diyan tayo nagkakamali . Kaya natin ang lahat ng ito . Magtulungan maging positibo sa buhay, wag mawalan ng pag-asa habang may buhay dahil andyan ang ating Panginoon. Alam ko na lagi niya tayong ginagabayan. Isa lamang to sa mga pagsubok niya na mas lalong makakapag patatag satin. Kaya wag mawalan ng pag asa . Hindi niya tayo pababayaan at lalong hinding hindi niya tayo hahayaang masaktan . Manalig at magpasalamat sa lahat ng biyaya . At humingi ng tawad sa mga kamalian. 🙏
Napapansin ko yung mga sinusulat ko pare-pareho lang. Aha yan lang talaga kaya ng utak ehh . Aha Hanggang sa muling pagsusulat para sa kinabukasan. Aha
Pocketbook
Hi guyz . At nandito na naman po ako. Bago muna ako manood ulit ng isa pang episode eh . Magsusulat muna para dagdag points . Sa totoo lang bago ang mga kdrama na yan may isa pakong kinahumalingan ng todo. Yan ay ang POCKETBOOK. Since nag high school ako nagsimula akong nahilig na magnasa ng pocketbook. adik na adik ako dya. At syempre ang supportive kong ate ehh bnigyan ako isang box. Ahaha dba ang saya. Complete series ng BESTFRIEND at BESTFRIENDS PLACE. Grabe sobrang ganda ng mga story . D ko man nakikita ang ma character ehh naiimagine naman sila ng malawak kong kaisipan. Ahaha . Yung tipong gigising ka ng 7am sa umaga magbabasa na agad . Wala nakong ngawang trabaho sa bahay at lagi nakong pinapagalitan. Eto pa masaklap nakuha pa yung itapon lahat ng mama ko sa sobrang inis sakin. Ahahaha . Sayang yun mga yun . Pero hindi nagtatapos dyan. Naadik din ako sa PHR series STALLION. Nakakakeleg at ganda ng mga stories. Nakukuha kopang magdala ng pocketbook sa school , at pag may vacant ehh nagbabasa ako . Dumadating pa sa point na kahit may teacher nagbabasa ako. Matapos ko lang yung stories . Ahahahaha . At yan din ang nakapag palabo sa mata ko. Na kahit gabi eh pilit kong dinidilat mata ko sa medyo madilim na kwarto . Dahil pag nkabukas ang ilaw eh malalaman na di pako natutulog. Yan lang naman ang isa sa mga kinaadikan ko nung bagets pa . Aha pero d pako masyadong matanda ngayon. Bata pa rin. Ahahaha. So yan lang muna at mamaya need na nman mag isip ng pedeng maisulat para mas tumaas ang points.
Pakilike po and Subs guyzz .. Thankie☺️☺️
Puyat
Napupuyat dahil sa kakapanood ng kdrama. Aha ang ganda nga nman kasi. Tipong sasabihin mo last episode ko na to. Pero pag natapos hala manood na naman ng bagong episode . D mo matiis na d ipagpatuloy ang iyong pinapanood dahil nabibitin ka . Aha , ang sarap kaya manood lalo na pag kiligan time. Pati ikaw todo kilig sa mga bida. Feeling ko ikaw ang nasa eksena at kasama ang iyong pangarap na lalaki. Pero syempre d lang puro kilig. May mga aksyon din at drama dyan. Ayan nga pag gising ko kaninang umaga ehh maga lang naman ang mga mata ko kakaiiyak sa pinapanood ko. Ohh dba affected na affected ako. Ahahaha . Tinatawanan na nga ako ng anak ko ehh . Panay daw ako iyak . Masyado kasi ako nadadala sa mga eksena . Isipin mo matutulog ka ng mga 2am . at gigising ng 7am . Ohh dba may 5hours pa nman akong tulog kaya keri pa para sa mga gawain sa umaga . At after ng mga gawain . Back to kdrama life. ahaha dba ang saya saya . At dahil dyan. Tatapusin ko na to at akoy manonood na ulit. aha Gusto ko pa sna sumulat ng mas mahaba kaso wala nko maisip. Ang hirap mag isip ng mga isusulat . Nakakapiga ng utak. ahahah . Ingat po tayong lahat .
Ice candy
Napakasarap ng ice candy. Lalo na pag mainit ang panahon . Nagtinda ako niyan at buti nalang mabenta para may pangbayad ng kuryente,aha . Ibat ibang flavor pero mas paborito talaga ng mga bata ang chocolate . Pati mga anak ko panay panay ang kuha . at syempre pinapabayad ko sa tatay nila. Aha. Kelangan talaga ng extrang kita sa panahon ngayon. Dahil walang trabaho. Walang pinagkakakitaan . Paorder dito, paorder doon. At syempre salamat sa youtube natuto ako gumawa ng ice candy. Napakaraming pagpipilian. Malinamnam, mapino at nilalagyan ng gatas, kaya naman tinatangkilik ng mga bata. Hayyy ano ano nalang ang naisusulat ko para makapag post. Pero ayus lang yun. Sayang din ang kitaan. Lalo na kailangan natin ngayon yan . At sna ehh mas marami pakong maisip na pede maisulat para mas humaba pa. ahahha
Labahan
Sabi nga sa nabasa "Bilang ina napakasarap tignan na walang labahan sa basket",ahaha . Totoo nga naman . Kasi ang hirap maglaba, masakit sa kamay. Nagsusugat ,humahapdi. Kaso d naman pede na di magkaroon ng labahan. Sa mga bata palang ilang beses magpalit ng damit sa isang araw . Sa sobrang kalikutan ayun pag pawis agad palit. Kuha ng pamunas, pagkatapos ayun labahan na. Ako nung una lingguha lang kung maglaba. Yung tipong nagrereklamk na mga anak ko na wala ng susuutin,aha diba napakasipag ko? Pero nang nagpunta ang nanay ko sa bahay namin. Ayun pinagsabihan lang naman ako na bat pinaparami ko pa daw labahan ko . Sabi ko para tipid sa kuryente minsanan maglaba tutal nagwawashing naman ako. Sabi niya bat di ko nalang labhan araw-araw. Napaisip din naman ako lalo na at wala naman nga akong dryer. Na pag naging tag ulan eh problema ko pa ang pagpapatuyo at pagsasampay . So ayun simula nung araw na yun . inumpisahan ko na, araw-araw nakong naglalaba . Hanggang sa nakasanayan ko na . Hassle free nga naman pag d natatambakan ng labahan. Pag gising sa umaga . Daily routine nilalabhan ko na mga damit namin. D nman mahirap magkusot ng damit. Ang mahirap yung magtanggal ng mantsa sa damit ng mga bata . Sa kakalaro nila kada hubad ng damit. Ang dumi-dumi yung pagkatapos mong maglaba ehh pagsasabihan mo sila dahil sa hirap alisin ng dumi sa damit nila . Nakakaloka buti nalang at nasanay na din ang kamay ko sa pagkukusot kaya wala na problema. D gaya noon . Lagi nagsusugat kamay ko pag nagkukusot ako ng damit . At dahil dyan na eenjoy ko na ang paglalaba, aha. So ngayong araw nato. Salamat at nakatapos nko ng paglalaba. Next routine magluto naman . ☺️☺️ Thank you Lord sa araw na ito🙏🙏🙏
Umaga
Magandang umaga sating lahat. Yung tipong kakagising mo lang pero cellphone na agad ang hawak mo. Halos ganun lahat ehh . Ahaha ichecheck mo kung may message ka o kung ano man. Yung gising kana pero nakababad kapa rin sa higaan . Nagmumuni muna bago bumangon. At syemre magapasalamat sa Panginoon sa panibagong araw na bninigay niya satin . Na wala tayong salit at malulusog ang ating mga katawan.☺️☺️ Muli isang masaya at magandang umaga sating lahat .☺️🙏🙏
Movies
Isa ito sa kinahuhumalingan ko ngayong nakulong sa bahay at walang trabaho. Ang sarap sarap panoorin , nkakakilig, yung iba nakakarelate pa sa story. Yung tipong seryosong seryoso ka sa pinapanood mo. Pag iyakan iiyak ka din. Pag kiligan kikiligin ka rin ng todo na may kasama pang post sa facebook. Ang sarap manood at habang nanonood ka eh nananalangin ka na sana ganun din ang maging love story mo . Ang sarap sa pakiramdam na kahit papano isa ito sa para makapag pagaan ng pakiramdam natin habang nakulong sa bahay dulot ng pandemic. Pero wag natin kalimutan na mas may magandang istorya na darating sa buhay . Puno man ito ng pagsubok at problema bandang huli mananaig ang ating katatagan upang atin itong malampasan . Napakasarap sa pakiramdam na habang sinusuong natin ang ating pagsubok eh nananalangin din tayo sa maykapal . Kaya nman salamat sa kdramas na aking kinahuhumalingan. Pero hindi ko pa rin nakakalimutan ang ating sariling mga palabas . Mga comedy, horror na gawa ng ating mga kapawa Pilipino . Saludo kami sa mga gumagawa ng istorya kagaya ko😅😅. Para mapasaya ang manonood . Salamat sa mga pelikulang ito na isa dahilan kung bakit gumagaan ang aking pakiramdam☺️☺️
Chat
Nagkakilala sa chat. Nagkakwentuha, nagkamustahan. Ilang araw, linggo, buwan ang lumipas. Sapat na nga ang salitang "MAHAL KITA". Alam natin na napakalawak na ng social media. Marami ang nagkakilala, marami ang nagtataksil at nasasaktan ng dahil dito. Nagkapalagayan ng loob ang dalawa. Nasanay na lagi silang magka chat, na lagi silang nagkwekwentuhan. Lumipas ang araw, linggo, buwan at nagtapat ang lalaki ng kanyang damdamin. Nabigla ang babae dahil sa ginawa niyang pagtatapat . Ngunit hindi rin niya nahadlangan ang kanyang puso at kanyang sinagot ang lalaki . Nag usap sila na magkikita para lalo silang maging palagay ang loob sa isat-isa . At nakuha naman nilang magkita. Masaya ang kanilang naging pagkikita , nagusap nag kwentuhan tungkol sa kanilang mga buhay . Lalong nahulog ang loob ng babae dahil sa napakalambing nman talaga ng lalaki. Halos lahat ng gugustuhin ng babae eh nasa kanya na. Minsan ulit silang nagkita at sobrang saya ng babae . Sobrang saya na hindi niya maipaliwanag . Hanggat sa lumipas ang taon . Masaya sila healthy ang kanilang relasyon . Pero may natuklasan sya na hinding hindi niya inakala . May sakit pala ang lalaki at may taning na ang kanyang buhay . Hindi ito sinabi ng lalaki sa kanya dahil alam niyang masasaktan ang babae . Naisipan ng babae na pumunta sa pamilya ng lalaki upang kausapin ang mga ito . At doon natuklasan nia na may sakit nga pala talagah ang kanyang boyfriend. Sobra syang nalungkot at hindi niya alam ang gagawin. Kung magagalit ba sya o maaawa sa boyfriend niya . Pero nanaig ang kanyang pagmamahal. Naisip niya na nung hindi na gagaling boyfriend niya. Pasasayahin nlang nia ang nalalabing nga araw nito sa mundo . Masakit para sa kanya pero kailangan niya itong gawin. Muli silang nagkita ngunit hindi na sya kasing sigla ng dati. Mababakas sa kanyang mga mata ang lungkot. Napansin iyon ng knayang boyfriend at tinanong sya . Umamin nman syanna alam na niya ang lahat . natuklasan na niya ang totoo . Pareho silang umiyak ng umiyak . Nagusap sila at nagkasundo na maging masaya at wag na masyado isipin ang mga masasakit na bagay . Nagsaya sila, namasyal, pumunta sa mga lugar na gusto nilang puntahan. Hanggang dumating sa punto na nanghihina na lalo ang katawan ng boyfriend niya. Naospital na hindi na mkalabas . Binantayan nia ito at hindi sya umalis sa kanyang tabi. Napakalungkot ng babae sa sitwasyon nila. Hanggang sa tuluyan ng namaaalam ang lalaki . Malungkot silang lahat ngunit kelangan nila patatagin ang kanilang mga sarili . Ibinaon niya sa knyang puso ang alaala na sila ay masata at magkasama. "MAGKIKITA DIN TAYONG MULI". ☺️☺️☺️
Hayy. napahaba ata masyado. Ok lang yan importante may maisulat☺️☺️😅
Kinsenas
Magandang umaga . Isa ang araw na ito sa pinakaaabangan ng lahat ko. Kagaya ko SAHOD sana ngayon . Ngunit ng dahil sa pandemya ,marami ang nawalan ng trabaho , nahinto dahil maaari kang mahawa o magkasakit na kahit sino ay hindi pinangarap. Ngunit kaya mo bang isapalaran ang iyong kalusugan at ng iyong pamilya sa kagustuhan na mkpag trabaho.? Yung iba hirap na hirap na. hindi alam san kukuha ng ipapakain sa pamilya , mapalad ang mga may kaya sa buhay na kayang tumigil ng ilang buean sa trabaho, pano nman kaming maliliit na manggagawa? aasa ba sa ayuda na sobrang dalang lang kung dunating? na minsan eh dadaanan ka lang. Makikita mo yung iba nabibigyan pero ikaw hindi. Ang sakit isipin na sa mga gobyerno pa mismo nanggagaling ang mga anomalya. Andyan na puro kamag anak lang ang nkikibabang, mga kakilala nila. Naway matapos na tong pandemya at para ang lahat ay makabangon muli mkpag simula ng panibagong umaga kasama ang pamilya at mga mahal sa buhay.
Nakaraan
Ang aking nanay ay naninilbihan sa isang may kayang pamilya ..Masagana ang kanilang buhay. May 5 anak maraming sasakyan at may mga negosyo . Akoy maliit pa lamang ng simulang isama ng aking ina sa bahay na yun. Dahil walang mag aalaga sakin kaya naisipan niyang isama nalang ako . Naging kasundo ko naman ang 2 anak na lalaki ng amo ng aking ina . Naglalaro kami para ng magkakapatid ang turingan namin. May pagkakataon nga lang na minsan pinagseselosan ako ng magkapatid dahil gustong gusto ako ng nanay nila dahil wala syang anak na babae na maliit . Habang kami lumalaki nagkakasundo nman at masaya nman dahil kaibigan at kapatid ang turingan nmin . Lagi rin ako nkakapasyal sa ibat ibang lugar dahil lagi akong ksama san man sila magpunta. Nariyang sa Bagui, sa Zambales, sa Pangasinan, Ilocos, napakarami kong lugar na napasyalan .. Dumating pa sa point na gusto nko ampunin at pumayah ang nanay ko para daw sa ikagaganda ng buhay ko. Pero syempre para sakin nun ksama pa rin sila sa pangarap ko. Pero hindi natuloy dahil hindi ko matiis na hindi sila kasama kahit na kami ay hindi mayaman. Hanggang dumating sa punto na pupunta ang magkapatid sa america para maging american citizen. Naisip kila na ipakasal kami at mag divorce nlang pag naging american citizen din ako. Ngunit sadyang mapaglaro ang tadhana. Hindi nangyari ang mga bagay na yun. At hindi ko yun pinang hihinayangan dahil alam ko na may mas magandang plano ang DIYOS sakin na mas nararapat . Kaya anuman ang dumaan sa buhay . Kapit lang may Diyos taung nagbabantay satin. ☺️
HigH School
Nakakamiss ang mga panahong wala kang ibang iniisip kundi ang mga kaibigan, katuwaan, kasiyahan. Marami kang makikilala at marami rin ang umaalis . Ngunit mangyari man yun nakatatak pa rin sating isipin kung gano ito kahalaga . May oras na walang baon, may iyakan dahil sa mga lalaki😅, may oras naman na nagkakaasaran at nagkakatuluyan . May ibat iba mang grupo sa klase . Silay nagkakaisa pagdating sa mga kalokohan. Andyan ang kopyaha . Kodigo😅 at pati na rin ang pagdadala ng mga cellphone na alam na bawal. Andyan ang mga nagkukuhaan ng number , naghaharutan at walang sawang cutting😅. Ang sarap balikan ng nakaraan . Yung wala kang iisipin, ikaw pa ang poproblemahin☺️ . Isa ang panahong ito na hinding hindi ko malilimutan . Ang saya at sarap sa pakiramdam na hanggang ngayon, andto pa rin kami nagkikita kita at nagkakasama sama . Andun pa rin ang biruan, kalokohan at mga nagkaibigang nagkahiwalay . Sarap balikan ang nakaraan. Nakaraan na tumatak sa aming isipan na hinding hindi malilimutan.
Adobong Sitaw
Una igisa ang sibuyas at bawang. Ilagay ang karne . Igisa ng mabuti . At pagkatapos lagyan ng toyo at suka. Pakuluin ng bahagya. Hugasan at ilagay ang sitaw . Pakuluin at hintayin na lumambot o maluto ang sitaw . At pagkatapos . Taddaannn kainan na . Yan ang ulam namin kanina na aking niluto. Simple lang pero napakasarap lalo na at sama sama kaming kumakain sa hapag na may puno ng ngiti ang aming mga labi.
Ligaya
Masarap, masaya at nakakagalak ng puso na makitang masaya ang pamilya . Ang sarap sa pakiramdam na marunong makuntento kung ano man ang meron at walang halong inggit sa aming katawan. Ang sarap sarap na malusog ang ating pangangatawan at walang sakit . Dahil ang pamilya ang ating kayamanan na dpat nating ingatan .
Tukso
"Binigay ko nman ang lahat, ano paba ang kulang?". Ito ang katagang lumalabas sa labi ng mga taong labis na nagmahal at nasasaktan. Nakakalungkot na ang daming nsasaktan ng dahil lamang sa mga panandaliang tukso. Nang dahil sa tuksong iyan nakakalimutan na nila na may responsibilidad sila. Nang dahil sa tukso marami ang naghihiwalay .😢😢😢
Pangamba
Lahat ng tao ay nangangamba ngayon dahil sa pagsubok na nating pinagdadaanan. Ngunit alam nating may Diyos tayo na ating sandigan at sya ang magliligtas sating lahat . Humingi ng tawad sa mga kasalanan . At humingi ng pasasalamat sa lahat ng ating natatanggap na biyaya . 🙏🙏🙏
Hi
Hi guyss. Palike and share din po ng akin. Ngayon lang ulit nkpag post.☺️ Thank you
Help
Patulong po . Bago palang po ako. like po please . Like ko rin po kau☺️☺️☺️
Abroad
I think it is the best way . But im wrong it is the hardest part .
Mommy
Having a child is one of the greatest gift of all.