read.cash Log in
@Tere03

Labahan

Sabi nga sa nabasa "Bilang ina napakasarap tignan na walang labahan sa basket",ahaha . Totoo nga naman . Kasi ang hirap maglaba, masakit sa kamay. Nagsusugat ,humahapdi. Kaso d naman pede na di magkaroon ng labahan. Sa mga bata palang ilang beses magpalit ng damit sa isang araw . Sa sobrang kalikutan ayun pag pawis agad palit. Kuha ng pamunas, pagkatapos ayun labahan na. Ako nung una lingguha lang kung maglaba. Yung tipong nagrereklamk na mga anak ko na wala ng susuutin,aha diba napakasipag ko? Pero nang nagpunta ang nanay ko sa bahay namin. Ayun pinagsabihan lang naman ako na bat pinaparami ko pa daw labahan ko . Sabi ko para tipid sa kuryente minsanan maglaba tutal nagwawashing naman ako. Sabi niya bat di ko nalang labhan araw-araw. Napaisip din naman ako lalo na at wala naman nga akong dryer. Na pag naging tag ulan eh problema ko pa ang pagpapatuyo at pagsasampay . So ayun simula nung araw na yun . inumpisahan ko na, araw-araw nakong naglalaba . Hanggang sa nakasanayan ko na . Hassle free nga naman pag d natatambakan ng labahan. Pag gising sa umaga . Daily routine nilalabhan ko na mga damit namin. D nman mahirap magkusot ng damit. Ang mahirap yung magtanggal ng mantsa sa damit ng mga bata . Sa kakalaro nila kada hubad ng damit. Ang dumi-dumi yung pagkatapos mong maglaba ehh pagsasabihan mo sila dahil sa hirap alisin ng dumi sa damit nila . Nakakaloka buti nalang at nasanay na din ang kamay ko sa pagkukusot kaya wala na problema. D gaya noon . Lagi nagsusugat kamay ko pag nagkukusot ako ng damit . At dahil dyan na eenjoy ko na ang paglalaba, aha. So ngayong araw nato. Salamat at nakatapos nko ng paglalaba. Next routine magluto naman . ☺️☺️ Thank you Lord sa araw na ito🙏🙏🙏

4 comments

Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.