read.cash Log in
@Tere03

Movies

Isa ito sa kinahuhumalingan ko ngayong nakulong sa bahay at walang trabaho. Ang sarap sarap panoorin , nkakakilig, yung iba nakakarelate pa sa story. Yung tipong seryosong seryoso ka sa pinapanood mo. Pag iyakan iiyak ka din. Pag kiligan kikiligin ka rin ng todo na may kasama pang post sa facebook. Ang sarap manood at habang nanonood ka eh nananalangin ka na sana ganun din ang maging love story mo . Ang sarap sa pakiramdam na kahit papano isa ito sa para makapag pagaan ng pakiramdam natin habang nakulong sa bahay dulot ng pandemic. Pero wag natin kalimutan na mas may magandang istorya na darating sa buhay . Puno man ito ng pagsubok at problema bandang huli mananaig ang ating katatagan upang atin itong malampasan . Napakasarap sa pakiramdam na habang sinusuong natin ang ating pagsubok eh nananalangin din tayo sa maykapal . Kaya nman salamat sa kdramas na aking kinahuhumalingan. Pero hindi ko pa rin nakakalimutan ang ating sariling mga palabas . Mga comedy, horror na gawa ng ating mga kapawa Pilipino . Saludo kami sa mga gumagawa ng istorya kagaya ko😅😅. Para mapasaya ang manonood . Salamat sa mga pelikulang ito na isa dahilan kung bakit gumagaan ang aking pakiramdam☺️☺️

No comments yet

Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.