Tricycle
Ang hirap ng buhay ngayon dulot ng pandemic . Alam naman nating lahat na marami ang apektado, isa na dito ang mga tricycle n driver na umaasa sa pang araw-araw na kita . Ang tatay at asawa ko ay tricycle driver din. Ang tatay ko ay ayaw tumigil sa pag drive ng trike. Kahit nabibigyan sila kahit papano ng mga kapatid ko , ayaw pa ring tumigil . Dahil sya daw ay nahihiya lalo at pamilyado na kaming mga anak niya. Nung una ok nman ang kita niya sa oag trike. Pero dulot ng pandemic naging mahina ito . Ilang buwan syang hindi pumasada dahil nga binawal ito . Pero ng magkaraoon ng chance na pumasada ulit . Pilit syang pumasada kahit binabawal namin sya. Ngayon araw-araw syang maagang lumalabas , ngunit kahit gaano pa sya kaaga magbiyahe npakahirap at napakahina ng kita . Araw araw sila nkikipag sapalara umaasa na sana ngayong araw ay makarami naman sila ng kita . Pinipilit namin sya pahintuin ngunit ayaw naman niya ..Wlaa naman daw syang gagawin sa bahay . Kagaya ng asawa ko tricycle driver din sya , ngayong wala akong work kailangan ng mapag kukuhanan ng kita . Ngunit gaya nga ng sabi ko nkakalungkot dahil napakahina ng kanilang kita . Yung maghapong paglabas niya hanggang pag uwi sa bahay . Magkano lang ang kita niya, kaya naisip ko kahit papano kailangan ko din ng konting kita . Kaya napag isip ko na magtinda tinda . Sa hirap ng buhay ngayon, pilit nkikipag salaparan ang mga driver upang magkaroon ng kita para sa kanilang pamilya . Lalo na kulang ang natatanggap na ayuda. Hindi sasapat sa bawat miyembro ng pamilya . Hayyy nakakalungkot tlgah na ang daming naghihirap satin . Lalo na ngayong panahon nato . Naway matapos na lahat ng ito upang makabawi ang lahat ng mamamayan sa kahirapan . At naway manaig sating pusot isip na hindi tayo nag iisa . Andyan ang ating Panginoon upang tayoy gabayan at alam kong malalampasan nating lahat ng ito. 🙏🙏 Magandang gabi po sa ting lahat🙏🙏 God Bless us all .
7 comments
oo nga maam apektado.rin sila. pero dito sa amin balik na sila..pero isang tao lang puede sumakay.kaya.mataas rin pasahe..
Oo nga sis . Isa lang pede sumakay . Nkakapag biyahe na sila pero sobrang hina talaga . Walang mga pasahero
oo siyempre mas.mabuting huwag muna.lumabas if.hindi importante. taga saan ka ba maam?.
Sa pampanga po kami .
Sila din yung sobrang naapektuhan dulot ng pandemic. Sana po laging good health yung tatay nyo po. Mag iingat po sana sya lagi. Godbless po.
Maraming salamat po. Naway maging normal na ulit ang lahat para makabawi ang mga nawalan ng hanap buhay ..🙏
Sana nga po. Sana manumbalik ang lahat.