read.cash Log in
@Tere03

Pagtingin

Siguro marami satin ang nalilito sa ating damdamin. Yung iba inaakala nila na gusto o mahal nila ang isang tao pero ang totoo akala lang pala nila yun. Naranasan ko dati yan. May boyfriend ako at kaibigan na lalaki . Akala ng kaibigan ko gusto niya ko. Kahit alam niyang may boyfriend pilit niya pa ring pinipilit ang nararamdaman niya . Pero alam kong akala niya lang yun dahil matagal na kaming magkaibigan . At alam kong meron syang kaibigan na babae . Hindi niya ito pinapansin . May gusto sa kanya ang kanyang kaibigan . Binabalewala niya ito , hindi niya pinagtutuunan ng pansin . Pero ako alam ko sa nakikita ko na may pagtingin sya sa babae ngunit inaabala niya ang kanyang isip sakin . Pero gumawa ako ng paraan para marealize niya na hindi totoo yung nararamdaman niya sakin . Kinausap ko sya ng masinsinan lalo na at may boyfriend nako. Nakinig naman sya sakin at sinunod niya ang ipinakiusap ko sa kanya . Nagkikita pa rin naman kami , nag uusap ,kwentuhan . Lumipas ang ilang linggo napatunayan nga niya na hindi niya ko gusto . Nalaman niya yun ng mag away sila ng kanyang kaibigan at umalis ito upang layuan sya . Dun nia napatunayan na hindi nga pala niya ko gusto . Na iba ang nararamdaman niya sa sinasabi ng puso . Muli silang nagkita ng kanyang kaibigan at syempre bandang huli naging sila . Kaya ang masasabi ko lang wag magpadalos dalos. Intindihin munang mabuti ang iyong sarili kung talagang mahal mo nga ba ang isang tao . Minsan kasi hindi mo naman talagah sya mahal, iniisip mo lang na mahal mo sya pero sa puso mo hindi naman talagah. At wag magmadali sa mga bagay bagay. Pag aralan itong mabuti . Yan lang po muna. Sana maintindihan. Parang ang gulo ng pagkakasulat ko. aha

4 comments

Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.