Isang beses palang ako nakapunta sa lugar na ito pero masasabi kong napakaganda at sariwa ang hangin.
Sikat na sikat ang lugar na ito sa lugar ng Tarlac . Napakarami ang dumarayo dito lalo na pag Linggo .
Sa pagpunta palang sa lugar na ito ay napakaganda na, dahil ang daan nito ay pa zigzag na akala mo sa Baguio.
Dinarayo ito di lang ng kalapit na lugar kundi pati na rin ng mga ibang lahi. Napakaraming riders ang mga nagpupunta dito.
Yung tipong ang aga mo ng nagpunta pero pag dating sa parking halos mapuno na.
Marami rin ang nagpipicnic dito , na napakasarap nga naman talagang kumain dahil sa preskong hangin nito.
Matatagpuan din ang napakalaking estatwa. At napakaganda ng mga tanawin niya . Perfect talagang pang picture.
May misa dito tuwing Linggo. At napakarami ding mabibilhan ng mga souvenirs .
Nang kami ay pumunta dito sobrang saya at sarap sa pakiramdam dahil napuntahan ko din ang sagradong lugar na ito.
Ang sarap maupo sa ilalim ng mga puno, ang sariwang hangin na nalalanghap mo, napakasarap sa pakiramdam.
Perfect itong pasyalan ng mga Pamilya, Barkada, pati na rin mga in a Relationship. Pedeng magsimba at sabay na magpasalamat sa mga biyaya na natatanggap natin sa ating buhay.
Kaya nmab hinding hindi ko mkakalimutan ang sagradong lugar na ito.