Lungkot

2 9
Avatar for Tere03
Written by
4 years ago

Ngayong umaga nakausap ko ang aking ka trabaho. Malungkot sabi niya hindi pa alam kelan kami mkakabalik pero matatagalan at humanap daw muna kami ng mapagkakakitaan. Sobrang nakakalungkot talagah . Kahit ako sobrang napaisip . Hanggang kelan nga kaya ito . Hanggang kelan na ganito kami. Ang hirap mag apply. Priority nila yung may mga sasakyan or motor. Hindi ko na alam ano pa dapat kong gawin. Nag usap kami mag asawa kailangan makahanap kami ng mapagkakakitaan. Hindi pedeng ganito . may 2 anak kami at patuloy ang gastos dito sa bahay . Napag desisyon namin na magtinda ng mirienda o kung ano man ang pede at magpapasada muna sya ng trike . Kailangan magtulungan kailangan harapin ang hamon na ito. Hanggang ngayon iniisip ko pa rin ang mga bagay na paano kami mkakabawi. Paano kami mkakaahon . Pero alam ko na magagawa namin yon. Mgagawin naming maging matagumpay hindi man ngayon pero darating ang araw na yun. Malalampasan namin ang lahat ng ito. Kung dati nagawa naming magsimula ulit. At alam kong mas lalo naming kaya ito ngayon . Nakakalungkot ang dami ng apektado ng virus . Ang sakit isipin na ang maraming nkakaranas ng gutom, minsan nkakapang hina ng loob pero d ka dpat daiigin nito . Kailangan maging matatag, malakas at higit sa lahat manalig sa ating Diyos na matatapos lahat ng ito. Mkakapag simula tayong muli . Magiging masaya at haharapin ang mga araw na may magandang kinabukasan . Salamat Ama sa lahat ng biyaya at patuloy na pag gabay. Salamat dahil kami po ay nakakakain sa tamang oras at may naihahapag sa aming lamesa. Maraming maraming Salamat po

3
$ 0.00

Comments

Sinabi mo pa Sis. Sobrang nakakalungkot. Andaming nabago sa mga buhay natin. Sana makaraos na Tayo.

$ 0.00
4 years ago

Oo nga sis ehh . Biglang nagbago. Marami ang nawala 😢😢

$ 0.00
4 years ago