Grabe . Noong nag wowork ako humihiling ng mas matagal na day-off . Pero ngayon 3buwan ng walang trabaho dahil sa pandemic. Sobrang nakakainip sa bahay . Iba nga naman kasi talaga pag nag daday off ka na pedeng mamasyal, mag out of town, kumain kung san mo gusto . Gusto mo masulit ang ilang araw na day off . Ngayon nakapag pahinga ka nga ng matagal pero d naman makagala, limit din ang mga pagkain na pedeng mabilhan, ni hindi man lang maipasyal ang mga bata sa mall o kung saan man nila gusto. Ni hindi makapanood ng sine. nag b-day ang anak ko nag rerequest ng swimming. Aha sabi ko kung pede lang bakit hindi . kAso hindi pede dahil lockdown. yung isa naman sa birthday daw niya paghanda ko sya. Sabi ko d ko maipapangako dahil d ko alam kung may work nako nun . Nkakalungkot na hindi man lang maibigay sa mga anak ang kanilang hinihiling . Nakakaintindi naman sila pero bilang nanay nalulungkot ako dahil alam ko na makakapag pasaya yun sa kanila . Buti nga nakakasurvive pa kami . Salamat sa Diyos, sa mga ate ko binibigyan ako. At sa mabait at masipag kong asawa na pilit bumabiyahe para kahit paano eh may pangkain kami . Ang daming bayarin pero walang pumapasok na income . Puro outcome nangyayari . Nakakalungkot, minsan gusto mo na sumuko, ako minsan ano-ano naiisip ako. Na sstress ako sa totoo lang . Kaya kung ano-ano na ginagawa kong pag kakaabalahan para lang mawala sa isip ang mga gastusin. Pero sa kabila ng lahat ng yan . Nagpapaslamat ako dahil malulusog at malakas ang katawan ng aming buong pamilya . Nkakain pa rin kami ng sapat at kahit papano nakakabili pa ng mga kailangan nmin sa araw-araw. Ang hirap isipin yung iba nawawalan ng pag-asa dahil sa mga nangyari . Iniisip nila wala na silang magagawa . Iniisip nila hindi nila malalampasan ang pagsubok na to. At diyan tayo nagkakamali . Kaya natin ang lahat ng ito . Magtulungan maging positibo sa buhay, wag mawalan ng pag-asa habang may buhay dahil andyan ang ating Panginoon. Alam ko na lagi niya tayong ginagabayan. Isa lamang to sa mga pagsubok niya na mas lalong makakapag patatag satin. Kaya wag mawalan ng pag asa . Hindi niya tayo pababayaan at lalong hinding hindi niya tayo hahayaang masaktan . Manalig at magpasalamat sa lahat ng biyaya . At humingi ng tawad sa mga kamalian. 🙏
Napapansin ko yung mga sinusulat ko pare-pareho lang. Aha yan lang talaga kaya ng utak ehh . Aha Hanggang sa muling pagsusulat para sa kinabukasan. Aha