Covid-19

0 35
Avatar for Tere03
Written by
4 years ago

Hanggang Ngayon laman pa rin ng Balita ang Virus na ito . Lalo na at wala pang lunas para dito. Bumabalik man ng unti-unti sa normal ang ibang lugar. May ibang lugar pa rin na sobrang apektado nito.

Gaya na lamang dto sa amin sa Pampanga, Angeles City. Inulat minsa na wala ng bagong case ng Covid-19. Marami ang naging masaya sa anunsyo na yun .

Ngunit sadyang may mga biglang nagbabago na hindi inaasahan. Nung isang araw lang biglaang pinasara ang malaking palengke ng Angeles City.

Marami ang apektado lalo na at doon namimili ang karamihan. Dahil may namatay daw na tindero sa meat section. Kaya agaran itong pinasara .

Sumunod naman sa balitang ito , ay may mga on the job training na 22 pulis ang naging positibo din. Ang iba ay nadestino sa lugar ng Mabalacat, ang iba naman ay sa Angeles City.

Mas lalong lumala ang sitwasyon, hindi ko alam kung dahil nga ba sa mga matitigas na ulo na mga tao, oh dahil na rin sa pagkakaroon ng kakulangan sa pangunahing pangngailangan .

Sobrang nkakalungkot, hindi pa tuluyang bumabalik sa normal ang lahat ngunit meron na nmang panibagong pag subok. Nag anunsyo rin ang Governor ng Pampanga na pag d pa nacontrol ang pangyayari maaaaring babalik ang aming lugar sa ECQ or GCQ.

Sa buhay natin napakaraming pagsubok. Na sinusubukan ang ating Pananalig sa Diyos. May mga pagkakataon na sumusuko na tayo ,may oras na tinatanong natin sya bakit nangyayari ang lahat ng ito.

Ngunit ano man ang mangyari, ano man ang dumating na pagsubok wag pa rin tayo mawalan ng pag-asa. Habang may Buhay may Pag-asa ika nga.

Hindi tayo pababayaan ng Diyos, ililigtas niya tayong lahat sa kapahamakan. Manalig at magtiwala lamang tayo sa kanya . Maraming Salamt. God Bless us All.

5
$ 0.00

Comments