Nagkakilala sa chat. Nagkakwentuha, nagkamustahan. Ilang araw, linggo, buwan ang lumipas. Sapat na nga ang salitang "MAHAL KITA". Alam natin na napakalawak na ng social media. Marami ang nagkakilala, marami ang nagtataksil at nasasaktan ng dahil dito. Nagkapalagayan ng loob ang dalawa. Nasanay na lagi silang magka chat, na lagi silang nagkwekwentuhan. Lumipas ang araw, linggo, buwan at nagtapat ang lalaki ng kanyang damdamin. Nabigla ang babae dahil sa ginawa niyang pagtatapat . Ngunit hindi rin niya nahadlangan ang kanyang puso at kanyang sinagot ang lalaki . Nag usap sila na magkikita para lalo silang maging palagay ang loob sa isat-isa . At nakuha naman nilang magkita. Masaya ang kanilang naging pagkikita , nagusap nag kwentuhan tungkol sa kanilang mga buhay . Lalong nahulog ang loob ng babae dahil sa napakalambing nman talaga ng lalaki. Halos lahat ng gugustuhin ng babae eh nasa kanya na. Minsan ulit silang nagkita at sobrang saya ng babae . Sobrang saya na hindi niya maipaliwanag . Hanggat sa lumipas ang taon . Masaya sila healthy ang kanilang relasyon . Pero may natuklasan sya na hinding hindi niya inakala . May sakit pala ang lalaki at may taning na ang kanyang buhay . Hindi ito sinabi ng lalaki sa kanya dahil alam niyang masasaktan ang babae . Naisipan ng babae na pumunta sa pamilya ng lalaki upang kausapin ang mga ito . At doon natuklasan nia na may sakit nga pala talagah ang kanyang boyfriend. Sobra syang nalungkot at hindi niya alam ang gagawin. Kung magagalit ba sya o maaawa sa boyfriend niya . Pero nanaig ang kanyang pagmamahal. Naisip niya na nung hindi na gagaling boyfriend niya. Pasasayahin nlang nia ang nalalabing nga araw nito sa mundo . Masakit para sa kanya pero kailangan niya itong gawin. Muli silang nagkita ngunit hindi na sya kasing sigla ng dati. Mababakas sa kanyang mga mata ang lungkot. Napansin iyon ng knayang boyfriend at tinanong sya . Umamin nman syanna alam na niya ang lahat . natuklasan na niya ang totoo . Pareho silang umiyak ng umiyak . Nagusap sila at nagkasundo na maging masaya at wag na masyado isipin ang mga masasakit na bagay . Nagsaya sila, namasyal, pumunta sa mga lugar na gusto nilang puntahan. Hanggang dumating sa punto na nanghihina na lalo ang katawan ng boyfriend niya. Naospital na hindi na mkalabas . Binantayan nia ito at hindi sya umalis sa kanyang tabi. Napakalungkot ng babae sa sitwasyon nila. Hanggang sa tuluyan ng namaaalam ang lalaki . Malungkot silang lahat ngunit kelangan nila patatagin ang kanilang mga sarili . Ibinaon niya sa knyang puso ang alaala na sila ay masata at magkasama. "MAGKIKITA DIN TAYONG MULI". ☺️☺️☺️
Hayy. napahaba ata masyado. Ok lang yan importante may maisulat☺️☺️😅
Pero nakakalungkot Naman Ang Istorya nila, Parang ramdam na ramdam sa puso. Kahit na medyo ayoko NG maramdaman Yung ganyang feeling, pero naramdaman ko pa din. Masakit sa kalooban.