Ate kong Madiskarte at Mabait

0 21
Avatar for Tere03
Written by
2 years ago

Sobrang nakaka proud ang ate ko. Araw araw syang gumigising ng maaga para mamalengke dahil sya ay nagtitinda.

Isa na yan sa kanyang tinitinda. Ang Gatang Tulingan na talaga namang napakasarap. Kung hindi niyo pa to nasusubukan sobrang sarap po ito lalo pag medyo maangghang sya.

At syempre po kung may ulam sya meron din syang tindang miryenda.

Ayan naman ang Pansit Palabok na alam kong kilala niyo rin. Isa ito sa mga paborito kong miryenda. Ang gawa ng ate kong sauce dyan eh gawa sa giniling na bigas. At hindi po sya gumagamiy ng harina dyan kaya siguradong sulit na sulit ang miryenda. Napakasarap na pang masa pa ang presyo.

At heto pa. Syempre may kakanin din sya. Yan naman ang gawa niyang Biko. Lagi ring sold out yan pag nagtinda si ate ko niyan. Tiyak na malinis at sobrang napakasarap pa ng kanyang gawa. Tiyak kong hahanap hanapin mo pag natikman ang gawa ni ate.

Akala niyo last na yun. Heto pa syempre nagtitinda ng ulam, miryenda meron din syang pa order ng napakasarap na Milk Tea.

Halos lahat na ata tinda ng ate ko. Sa sobrang kasipagan niya lahat ng pede niyang lutuin itinda gagawin niya. Kaya na iinspire din ako sa kanya. Madiskarte na masipag pa. Di niya iniinda ang pagod para sa pamilya niya. Kaya nga sobrang Idol ko sya.

Sinasabihan ko sya minsan magpahinga naman kasi baka maabuso ang katawan bigla syang magkasakit. Pero salamat sa Diyos dahil healthy naman sya. Nakakaya niyang gawin ang lahat.

At ito pa di lang sya basta masipag at madiskarte. Napakabuti niya ring Ate samin. Hindi niya kami pinapabayaan pag meron sya lagi niya kaming binibigyan. Hindi niya kami kinakalimutan tuwing may Blessings na dunarating sa kanya.

Kaya nga ang swerte din namin sa kanya. Sobrang sobrang swerte. Nawa lahat ng kabutihan niya samin maibalik ko din. Nawa makabawi ako sa lahat ng ginagawa niya para samin.

Kaya naman to all our FAMILY na handang gawin ang lahat para atin. Thank you sa lahat. Thank you dahil hindi niyo kami pinapabayaan. 💕

God bless us more Guyss. HAPPY FAMILY BIG FAMILY is 🦋

1
$ 0.00
Avatar for Tere03
Written by
2 years ago

Comments